Pinag-aaralan ng gobyerno na buwagin na lamang ang Philippine National Construction Corp. (PNCC) dahil nagiging hadlang ito sa konstruksiyon ng elevated North and South Luzon (NLEx-SLEx) connector road.
Ito ang ibinunyag ni Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya upang ipaliwanag ang matagal na pagkakaantala ng proyekto na inaasahan ng gobyerno na makukumpleto bago ang nakatakdang pagiging punong-abala ng bansa sa 2015 Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa Manila.
Sinabi ni Abaya na pinag-aaralan ng gobyerno ang polisiya nito kaugnay sa PNCC matapos magpahayag ang Department of Finance (DOF) na hindi dapat kasama ang state-run entity sa proyekto.
“(We are studying the) policy of government on PNCC: whether it will continue to exist or to dissolve it (with the President),” ani Abaya mga kasapi ng Makati Business Club sa isang forum noong nakaraang linggo.
Mahalaga ang go-signal ng gobyerno sa konstrubsiyon ng Skyway Stage 3 para sa konstruksiyon ng isa pang malaking toll road project, ang NLEx-Harbor Link. Ang NLEx-SLEx Connector Road at NLEx-Harbor Link.
Ang NLEx-SLEx connector road ay magsisimula sa Buendia Exit ng Skyway 2 hanggang sa Balintawak sa Quezon City, kung saan nagsisimula ang NLEx. Ang 14.2-kilometer toll road ay tatahakin ang median ng C3 Road at Araneta Avenue at tatawid sa Central Manila sa OsmeƱa Highway, Quirino Avenue, Sta. Mesa, Araneta Ave. at A. Bonifacio Road.
Ang NLEx-Harbor Link ay putol-putol na ilalatag: 3.8-kilometer toll road mula sa Mindanao Avenue hanggang Mc Arthur Highway at 5.4 kilometer long toll road na magpapalawig sa Segment 9 mula Letre sa Malabon at hanggang sa North Harbor.
Kapag nakumpleto ang NLEx-Harbor Link, luluwag ang trapiko sa Valenzuela interchange ng NLEx, at sa Balintawak-Cubao stretch hanggang sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). – Kris Bayos
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/paglulusaw-sa-pncc-pinag-aaralan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment