Tuesday, April 30, 2013

40 sentimos dagdag sa diesel

Matapos ang sunud-sunod na price rollback nitong mga nakaraang linggo, nagpatupad naman ng price increase ang ilang kumpanya ng langis sa bansa kahapon ng umaga.


DAkong 6:00 ng umaga epektibong ipinatupad ang price increase ng Pilipinas Shell at Petron ng 50 sentimos sa kada litro ng gasoline, 40 sentimos sa diesel at 25 sentimos sa kereosene.



Agad sumunod ang Total Philippines nang itaas ng 50 sentimos ang presyo ng bawat litro ng Premier at Protec gasoline at 40 sentimos sa diesel. Wala namang paggalaw sa halaga ng kerosene ng Total.


Ang bagong oil price hike ay bunga ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.


Noong Abril 20, dakong 12:01 ng madaling araw, huling pinangunahan ng Flying V ang bigtime oil price rollback na P1.50 sa diesel at P1.00 naman sa premium at regular gasoline na agad sinundan ng Pilipinas Shell at Seaoil nang tapyasan nito ng P1.65 ang kanilang ibinibentang diesel,P1.60 sa kerosene at P1.05 sa gasolina.


Samantala, may hinala ang ilang transport group na magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa kaya isinasantabi muna ang hirit ng mga commuter na ibaba sa P7 minimum fare ang kasalukuyang P8 na pasahe sa jeepney. – Bella Gamotea




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/40-sentimos-dagdag-sa-diesel/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment