STUTTGART, Germany (AP)– Tinalo ni Maria Sharapova si Li Na, 6-4, 6-3, upang matagumpay na maidepensa ang kanyang titulo sa WTA Porsche Grand Prix sa final sa pagitan ng dalawang huling French Open champions.
Nakuha ng top-seeded na Russian ang kanyang ikalawang titulo para sa taon matapos manalo sa Indian Wells. Siya ang unang manlalaro na napanatili ang titulo mula nang magawa ito ni Lindsey Davenport noong 2005.
”I thought it’d be the toughest match of the tournament, but I played my best tennis today,” pahayag ni Sharapova. ”I was able to step it up.”
Ito ang ika29 titulo niya sa kanyang career at ika-16 sunod sa clay. Mula noong isang taon sa Stuttgart season, siya ay may rekord na 23-1 sa clay. Ang kanyang nag-iisang talo ay nagmula kay Serena Williams sa Madrid.
Ginamit ni Sharapova, ang No. 2 sa mundo, ang torneo sa Stuttgart bilang paghahanda para sa kanyang clay-court season, katulad ng kanyang ginawa noong isang taon kung saan nakopo niya ang kampeonato sa French Open.
”I tried to put it together from the start,”p hayag ni Sharapova.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/30/sharapova-nagkampeon/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment