Tuesday, April 30, 2013

Utak sa Sabah standoff, ibubunyag

Papangalanan na ng Malaysian security forces ang mga politiko na nasa likod ang madugong Sabah standoff.


Batay sa impormasyon mula sa Malaysian government, papangalanan at isasapubliko ang “mastermind” ng kaguluhan kapag natapos na ang May 5 general elections roon upang hindi mabahiran ng politika ang usapin.



Iniulat na iginiit ng ilang state leaders ng Malaysia sa mga otoridad na isapubliko na ang pangalan ng mga sinasabing may kaugnayan sa Sabah incident.


Tinawag naman ng kampo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na bungang-isip lamang ang ipinipilit na “conspiracy theory” kaugnay sa nangyaring kaguluhan.


Sa isang panayam, sinabi ni Sultanate spokesman Abraham Idjirani na walang katotohanan ang paratang ng pamahalaan na nakikipagsabwatan ang sultanato at ilang sektor para siraan ang Aquino administration. Dagdag niya, nagsusulputan lamang ang mga tao at lumabas ang kanilang suporta dahil nakita na nila na ang usapin ng Sabah ay nakaangkla katotohanan ng kasaysayan. – Jun Fabon




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/01/utak-sa-sabah-standoff-ibubunyag/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment