Isinugod sa dalawang magkahiwalay na ospital ang may 30 sugatang supporters ng Kilusang Diwa ng Taguig na nagsasagawa ng house-tohouse visit sa likod ng City Hall sa Brgy. Tuktukan, Taguig City, ayon sa ulat na nakarating sa National Capital Region Police Office.
Sa ulat sa NCRPO ni Che-che Gonzales, tumatakbong councilor sa ilalim ng Kilusang Diwa ng Taguig, 15 katao ang ginagamot ngayon sa Saint Lukes Medical Center habang aabot sa 20 iba pa ang isinugod sa Rizal Medical Center
Kabilang sa mga sugatan ay ang 75taong gulang na si Pening Hernandez na binato at tinamaan mismo sa kanyang mukha at maging ang dalawang menor de-edad
Sa inisyal na imbestigasyon ng NCRPO, pasado 8:00 ng umaga kahapon nang matapat sa harapan ng City Hall ang mahigit 100 tagasuporta ni mayoralty candidate Rica Tinga ng Kilusang Diwa ng Taguig.
Habang nakikipagkamayan sa mga residente, bigla na lamang umanong lumabas ang mga kalalakihang nakabonnet na hinihinalang tauhan umano ng isang politician at ilang miyembro ng Public Order and Safety Office (POSO).
Nagkagulo sa lugar matapos na magkantiyawan ang mga ito na humantong sa batuhan at balyahan na nagresulta sa bugbugan ng magkabilang panig.
Dahil ditto, nananawagan si councilor Gonzales sa Comelec na isailalim na sa kanilang kontrol ang siyudad ng Taguig dahil sa hindi makagawa ng aksiyon ang lokal na pulisya na umano’y kontrolado ng kilalang politician doon.
Magugunitang noong April 5, 2013 nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng riding in tandem ang 40-anyos na dating hepe ng Business Permit and Licensing Office na si Jeffrey Minglana na tagasuporta ni Tinga. – Jun Fabon
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/30-supporters-ni-tinga-sugatan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment