Saturday, May 4, 2013

4 koponan, magkakarambulan sa quarters

Pagtuntong sa liderato na posibleng makapagbigay ng bentahe tungo sa pinag-aagawang unang slot sa semifinal round ang pag-aagawan ng apat na koponan na Ateneo de Manila, National University, University of Santo Tomas at Adamson sa tampok na double header ngayong hapon sa pagpapatuloy ng quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 10 first conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan.



Unang maghaharap para paglabanan ang pamumuno sa Group II ang Tigresses at ang Lady Falcons sa ganap na alas-2:00 ng hapon na susundan ng pinakaaabangang salpukan ng defending champion Lady Eagles at Lady Bulldogs sa ganap na alas-4:00 ng hapon.


Sa nabanggit na apat na koponan, bahagyang nakaungos ang Lady Eagles at Lady Falcons dahil sa kanilang pagkakapanalo sa una nilang quarterfinals matches noong nakaraang linggo na nagbigay sa kanila ng kartadang 2-0 kung saan ay tumapos sila na No. 1 sa Group A at No. 2 naman sa Group B noong eliminations, ayon sa pagkakasunod.


Tinalo ng Lady Eagles ang Arellano University Lady Chiefs, 25-18, 25-17, 25-23, habang ginapi naman ng Lady Falcons ang San Sebastian College Lady Stags, 25-21, 25-20, 23-25, 24-20.


Kung muling mananalo, makakasiguro na ang Lady Eagles at Lady Falcons para pormal nang umusad sa semis.


Ngunit naniniwala ang coaches ng dalawang koponan na hindi ganoon kadali ang kanilang magiging misyon.


“Kailangan pa naming pagbutihin ‘yung aming blocking at pag-aralang mabuti ang laro ng aming kalaban,” pahayag ni Lady Falcons guest player Angela Benting.


Gaya ng Lady Falcons, tumapos din na nasa No. 2 sa kanilang Grupo ang Tigresses kasunod ng nangunang Ateneo sa Group A kaya naman may bitbit din itong 1-0 kartada papasok sa quarterfianls.


Ganito rin ang Lady Bulldogs na makakatunggali naman ng Lady Eagles dahil tumapos silang No. 1 sa Group B makaraang walisin ang apat na laro nila sa eliminations.


“We must be consistent with our floor defense and our receptions. Malalaki ang kalaban pero meron din naman silang weakness at dun namin sila babantayan,“ pahayag ni Ateneo coach Roger Gorayeb.


Muli niyang sasandigan upang pamunuan ang misyon ng koponan para pormal nang makapasok ng semifinals sina Alyssa Valdez, guest player Rachel Anne Daquiz, Jem Ferrer at Fille Cainglet. – Marivic Awitan




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/4-koponan-magkakarambulan-sa-quarters/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment