Isa sa mga ikinukonsiderang mabigat na contender para sa nalalapit na Philracom 1st leg Triple Crown Championship series sa Mayo 18 ay ang Alta’s Finest.
Subalit marami ang nadismaya sa itinakbo ng alaga ng Moran stable na Alta’s Finest makaraang talunin ito ng dehadong Sharpshooter noong Biyernes ng gabi sa lugar na pagdarausan ng unang yugto ng TCC sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Tila hindi handa ang Moran stable para sa kanilang alagang Alta’s Finest na isabak ito sa TCC kung ang huling performance ang pagbabasehan.
Dumating na pang-apat na puwesto lamang ang Alta’s Finest mula sa nanalong Shrapshooter ng Gianan stable matapos ang mahigpit na labanan sa 1,600 meters na karera.
Sa patnubay ni jockey Jonathan Hernandez, ‘di nakaporma ang Alta’s Finest kasama ang iba pang kalaban na Divine Eagle at Grand Strikes Girl na pumangatlo sa puwesto.
Ang Alta’s Finest ay nanalo sa nakaraang 3-Year-Old Colts championship na ginanap sa San Lazaro Leisure Park matapos talunin ang mabigat na kalaban na Be Humble ni Ruben Dimacuha.
Sa pagkakapanalo ng Alta’s Finest laban sa Be Humble ay marami ang nagsabing pahirapan ang magiging labanan sa TCC.
Inaasahan na lalong naging malaking palaisipan sa mga karerista ang kanilang kinabukasan sa mga pipiliin at kakampihang kalahok sa TCC matapos ang sinapit ng Alta’s Finest.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/alta%e2%80%99s-finest-sumama-ang-porma/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment