Ni Leslie Ann G. Aquino
Inaasahan na ang mga aberya sa Final Testing and Sealing ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa isang panayam kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, sinabi niyang mas mag-aalala sila kung perpekto ang FTS.
“There will always be problems. Hindi naman pwede ma perfect yang FTS. Kapag na perfect yan kakabahan na ako,” aniya.
“Kapag na perfect ‘yan ibig sabihin parang naluto yan…there has to be some deficiencies,” giit pa ni Brillantes.
Noong Huwebes, ilang aberya ang naitala sa FTS sa Pasay gaya ng pumalyang PCOS machine sa P. Villanueva Elementary School.
May pagkakataon ding inirekord ng makina ang unshaded circle na minarkahan ng “x” ng isang botante.
Ngunit ipinaliwanag ni Birllantes na ang “x” mark ay babasahin pa rin ng machine kapag naabot nito ang marking threshold.
“Basta umabot sa threshold at may tatamaan dun sa oval bibilangin yun,” aniya.
“Kaya yung nasabi nung isang reporter na yung x daw dapat hindi binasa, malaking mali yun. For the record, that is a wrong assessment,” paliwanag ni Brillantes.
Sinabi niyang ang dahilan kung bakit hindi nila ibinubunyag ang threshold para sa eleksiyon sa Mayo 13 ay dahil hinihikayat nila ang mga botante na bilugan nang tama ang mga oval sa balota.
“We want to ensure na yung voters maganda ang pagka shade. Kapag alam nila ang threshold baka tamarin na yan at kung ano nalang ang ilagay. We just want to make sure that they will shade well. As much as possible, yung sinasabi namin na threshold nung 2010 sundan nila yun. Above 50 percent,” ani Brillantes.
Ang FTS ng karamihan ng halos 78,000 clustered precincts ay gaganapin sa Mayo 6, Lunes.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/aberya-sa-fts-tama-lang/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment