Saturday, May 4, 2013

Basketball, out sa 2013 PNG

Ni Angie Oredo


Hindi magsasagawa ng kompetisyon ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa gaganaping Philippine Olympic Committee–Philippine Sports Commission (POC-PSC) National Games.


Ito ang napag-alaman kay PSC Sports Games Chairman Atty. Jay Alano matapos ipaalam ni SBP Executive Director Sonny Barrios ang intensiyon ng asosasyon na hindi na magsagawa ng torneo sa PNG na kinukonsiderang try-out para sa nagnanais na mapabilang sa pambansang koponan.



“They said they already had the national squad Gilas Pilipinas and they also had teams doon sa mga age divisions nila that is why they decided not to held a basketball event anymore,” sinabi ni Alano.


Ito ang ikatlong sunod na pagkakataon na hindi isasagawa ang basketball sa torneo. Matatandaan na una nang hindi ginanap ang basketball noong 2011 PNG sa Bacolod habang nagkaroon ng kalituhan noong 2012 PNG sa Dumaguete matapos na ipatigil ng SBP ang mga laro sa Macias Sports Complex.


Isa pang idinahilan ng SBP ay ang kanilang pagiging abala sa paghahanda ng bansa sa prestihiyosong 2013 FIBA Asia Mens Championships na gaganapin sa Agosto 1 hanggang 11.


Samantala, sinabi ni PSC Commissioner at PNG In-charge Jose Luis Gomez na patuloy ang rehistrasyon sa mga National Sports Associations (NSAs) na siya ding may responsibilidad sa pagsasagawa ng kanilang mga event at pagpili sa madidiskubreng mga bagong atleta.


Idinagdag din ni Gomez na hindi lamang mga lokal na talento ang puwedeng sumali sa PNG kundi maging ang Fil-Americans o anupaman na may Fil-foreign na katayuan.


lalarga ang kabuuang 42 sports sa PNG simula sa Mayo 25 hanggang Hunyo 2 sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kung saan kinakailangang lumahok ang mga elite athletes at lahat ng miyembro sa national pool na hindi nagsasanay sa labas ng bansa.


Ang sports at lugar na pagdarausan ng laro sa swimming, badminton, baseball, billiards, football, gymnastics, lawn tennis, soft tennis, taekwondo at indoor volleyball ay sa Rizal Memorial Sports Complex habang ang athletics, arnis, dancesports, fencing, sepak takraw at triathlon ay sa Philsports Complex sa Pasig City.


Ang archery, chess, muay at pencak silat ay sa PUP Sta. Mesa, Manila habang ang canoe-kayak, dragon boat, sailing at windsurfing ay sa Manila Bay. Ang bowling, karatedo at powerlifting ay sa Sta. Lucia East habang ang judo, softball at wrestling ay sa Marikina City.


Ang boxing, cycling (track) at table tennis ay sa Amoranto sa Quezon City habang ang beach volley sa UE Caloocan, ang weightlifting ay sa UE Manila at ang futsal sa Pasay City gym. Ang golf ay sa Sherwood sa Cavite habang ang track (off-road) sa Daang Hari sa Cavite.


Ang motocross ay sa Bicutan habang ang rugby ay sa Nomads sa Parañaque. Ang shooting ay sa Fort Bonifacio at ang wushu ay sa San Andres Gym sa Manila




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/basketball-out-sa-2013-png/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment