Saturday, May 4, 2013

Escudero, ibinuking ni Kris sa pagtakbo sa 2016 presidential race

Ni Leonel Abasola



Ibinunyag ng presidential sister at TV host na si Kris Aquino ang planong pagtakbo ng reelectionist na si Senator Francis Escudero sa 2016 presidential race.


Sinabi ni Aquino sa grand rally ni Team PNoy mayoralty bet Bem Noel na dapat gayahin ni Escudero ang ginawang paghahanda ni Noel sa mga political rally.



“Sabi ko kay Chiz dapat pagtakbo niyang presidente sa 2016 ay ganitong ang kanyang maging kampanya,” na ang tinutukoy ni Kris ay ang magandang programa na tulad ng kampanya ni Bem Noel na ginanap sa Tacloban sports complex na dinaluhan ng may 30,000 residente ng Tacloban.


Sinamahan ni Kris sina Escudero at Team PNoy senatorial candidate Grace Poe.


“Kung may Bam sa Sendao, may Bem dito sa Tacloban,“ pagbibirong sinabi ni Escudero.


Aniya, ibinilin sa kanya ni PNoy na gawin ang Lahat para kumbinsihin ang taga-Tacloban na manalo Si Bem Noel upang umunlad ang lungsod.


Masama umano ang loob ni Kris sa kasalukuyang alkalde dito na si Mayor Alfred Romualdez na asawa ng dating ST star na si Cristina Gonzales na ngayon ay konsehal na din dito, dahil sa mga masasamang sinasabi sa kanila ni Chiz kaya dapat lang daw na huwag na itong iboto.


“Kaya paninindigan ko, game over. Ikaw na ang magiging mayor ng tacloban. Tama ba Bem? Bilin ito ni PNoy, sinabi niya, hoy Kristina, kaibigan ko `yan, loyal na ally kaya sabihin mo sa lahat sa kanila kapag nanalo si Mayor Bem, isang tawag lang kung ano ang kailangan ng Tacloban, ibibigay natin,“ ayon pa kay Aquino.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/escudero-ibinuking-ni-kris-sa-pagtakbo-sa-2016-presidential-race/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment