Saturday, May 4, 2013

BOOSTING COMPETITIVENESS OF TOURISM INDUSTRY

Ang Canadian International Development Agency (CIDA), ang developmental arm ng gobyerno ng Canada, ay naggawad ng $7.1 milyong technical grant sa Department of Tourism (DOT) upang makatulong sa pagpapaigting ng kahusayan ng Pilipinas sa sektor ng turismo mula 2013 hanggang 2016, ang suportahan ang adhikain ng paglago at lumikha ng mga trabaho. Nilagdaan ang isang memorandum of agreement ng DOT at CIDA noong Abril 19, 2013 upang gawing pormal ang ayudang teknikal ng Canada. Ang Asian Development Bank (ADB) ang mangangasiwa ng grant sa ilalim ng programa nitong Technical Assistance on Improving Competitiveness in Tourism.


Popondohan ng grant ang pagpapaunlad ng turismo sa pamamagitan ng tatlong mahahalagang output: regulatory review, service standards, at skills development. Napapaloob sa mga proyekto ang implementasyon ng isang bagong accreditation system at development ng service quality standards, na pasisimulang ipatupad sa Cebu, Bohol, Palawan, at Davao. Sa pondong ito, magkakaroon ang mga pamahalaang lokal ng mas mainam na kapasidad na ipagpatuloy ang pag-akit ng mas maraming investment at aktibidad para sa turismo.


Ayon sa gobyerno, ang grant ay isang pagkilala ng papel na ginagampanan ng turismo ng Pilipinas bilang susi sa kaunlaran ng ekonomiya. Ang ayudang teknikal na ay kasunod ng World Economic Forum survey, na pumuri sa Pilipinas bialng “most improved country“ sa 2013 Travel and Tourism Competitiveness Indes. Umakyat ang Pilipinas ng 12 hakbang mula ika-94 noong 2011 hanggang ika-82 noong 2012 sa 139 bansa.


Kaugnay ng National Tourism Development Plan, ang panukalang mga proyekto ay kinabibilangan ng skills training para sa 5,000 manggagawa sa pribadong sektor, local government units, civil society, at mga ahensiya ng DOT. Inaasinta ng industriya ng turismo ang sampung milyong banyagang panauhin at 56.1 milyong domestic traveller pagsapit ng 2016. Inaasahan na ang 20 porsiyento ng labor force sa bansa ang nasa sektor ng turismo, pagsapit din ng 2016.


Binabati natin ang Cooperation of Canadian International Development Agency sa pangunguna ni Head Counsellor Luke Myers, at Asian Development Bank sa pamumuno ni Financial Sector, Public Management and Trade Division Director Shigeko Hattori, sa kanilang agapayan sa pagkakaloob ng sigla sa pagpapaigting ng paglago ng industriya ng turismo ng Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/boosting-competitiveness-of-tourism-industry/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment