Sinabi ng Malacañang kahapon na hindi na kailangan pang magsagawa ng reinvestigation sa Dacer-Corbito case kasunod ng pagtakas ni dating Senior Supt. Cezar Mancao II mula sa kostudiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang kinalaman ang Malacañang sa kaso, at korte ang magdedesisyon sa usapin.
“To our knowledge, the DacerCorbito case is already before the court so may proseso tayo sa korte when it comes to the investigations. It is in the discretion of the court,” sabi ni Lacierda.
“I am not aware if there was a motion for reinvestigation kasi lampas na sa stage na ‘yun [para maghain ng motion for reinvestigation] ang alam ko,” ani Lacierda.
Tumanggi ring magkomento si Lacierda kung maituturing na “dagger” sa awtoridad ang pagtakas ni Mancao.
Malayang nakakapanayam ng media si Mancao sa harap ng malawakang pagtugis sa kanya ng awtoridad.
“There are ongoing operations, let’s not pass judgment immediately just because Mr. Mancao is giving interviews left and right,” pahayag ni Lacierda.
Hanggang kahapon ay hindi pa rin lumalantad si Mancao kahit pa nagbabala na si Justice Secretary Leila De Lima na babawiin ng gobyerno ang ibinibigay na proteksiyon sa dating pulis kapag hindi pa ito sumuko.
Hinimok din ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas si Mancao na sumuko na, sinabing mas ligtas ito kung nasa kostudiya ng gobyerno.
Una nang sinabi ng Palasyo na hindi ito makikialam sa kaso ni Mancao, bagamat inatasan na ni Pangulong Benigno S. Aquino III si De Lima na imbestigahan ang pagtakas ni Mancao, na nagsabing nangangamba siya para sa sariling buhay.
Matatandaang inakusahan ni Mancao si Senator Panfilo Lacson bilang utak sa pagpatay sa kilalang publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/reinvestigation-sa-dacer-corbito-case-di-na-kailangan-pa-malacanang/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment