Saturday, May 4, 2013

Buntis, shabu ng asawa, sinalo

Posibleng sa kulungan na isisilang ng isang tatlong buwang buntis ang kanyang panganay matapos maarestio nang mahulihan ng 16 na sachet ng shabu sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.


Ayon kay Northern Police District (NPD) director Chief Supt. Joel Alvarez, paglabag sa Sec. 11 ng Republic Act 9165 ang kinakaharap na kaso ni Magdalena Ignacio, 19, ng Block 3, Lot 25, Phase 3, Pla-Pla St. Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.



Nabatid na si Magdalena ay asawa ni Michael Ignacio, 29, na itinuturing na No. 1 most wanted sa Northern Metro area at No. 9 most wanted naman sa Metro Manila, sanhi ng mga kasong robbery, drug pushing at murder na nagawa nito noong 2011 hanggang 2013.


Napatay ito ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng NPD, noong Lunes, 8:00 ng gabi sa kanilang bahay, matapos makipagbarilan sa mga pulis na maghahain sa kanya ng warrant of arrest.


Nang halughugin ng mga tauhan ng DSOU ang bahay ng mga Ignacio, nasamsam ang mga shabu na halatang itinago ng babae.


May ilang witness na nagsabi na katulong ni Magdalena ang napatay na asawa sa pagbebenta ng droga sa kanilang lugar. – Orly L. Barcala




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/buntis-shabu-ng-asawa-sinalo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment