Celtics, `di na pinaporma ng NY Knicks sa Game 6
BOSTON (AP) – Nagposte si Carmelo Anthony ng 21 puntos kung saan ay nakuha pang palobohin ng New York Knicks ang 26-point lead bago tinalo ang Boston Celtics, 88-80, sa Game 6 kahapon at umabante sa postseason sa unang pagkakataon matapos noong 2000.
Umiskor si Iman Shumpert ng 15 sa kanyang 17 puntos sa ikalawang half, nang tapyasin ng Celtics ang 75-49 deficit tungo sa 4 na puntos.
Ngunit nagsagawa si Anthony ng jumper na nagbigay sa New York ng 8175 lead at pagkatapos ay nagsalansan ng 3-pointer, kasunod sa inasinta ni J.R. Smith na three-point play upang mapanatili ang double-digit lead na inalagaan ng Knicks sa halos kabuuan ng laro.
Itinarak ni Jeff Green ang 21 puntos para sa Celtics, naghabol mula sa 3-0 deficit sa series kung saan ay nagkaroon pa sila ng tsansa, sa sariling tahanan, upang mapuwersa ang playoffs sa Game 7.
Walang NBA team ang umabante sa playoffs matapos na mabigo sa tatlong sunod na mga laro.
Ikinasa ni Paul Pierce ang 14 puntos o 4-for-18 sa shooting kung saan ay isinagawa mnito ang siyam na 3-point attempts. Nadismaya rin si Anthony mula sa in-and-outside sa arko tungo sa 7-for-23 mula sa sahig kung saan ay naimintis rin nito ang kanyang unang limang 3-point attempts bago naibuslo ang key basket sa nalalabing 1:43 sa orasan.
Hindi pa nagwawagi ang Knicks sa playoff series simula kina Patrick Ewing at Latrell Sprewell (at kasalukuyang backup center na si Marcus Camby) na tumulong sa koponan upang umentra noong 2000 Eastern Conference finals.
Nagtala si Kevin Garnett ng 15 puntos at 10 rebounds para sa Celtics, ngayon ay haharap sa isa pang usapin sa offseason kung pakakawalan na nila ang aging core na nagbigay ng pagwawagi sa franchise’s record 17th NBA title noong 2008 at nagbalik din sa finals may dalawang taon na ang nakalilipas. Kinubra ni reserve Jason Terry ang 14 puntos, ang natatanging puntos na nakuha ng Celtics mula sa kanilang bench.
Matapos mapagtagumpayan ang unang tatlong mga laro sa best-of-seven series, nakamit naman ng Knicks ang dalawang sunod na pagkatalo. Kung nagwagi kahapon, ang Celtics ang magiging ikaapat na NBA team na naitabla ang series matapos na madiskaril sa unang tatlong laro. At magbibigay din ng tsansa sa kanila upang maging una sa kasaysayan ng liga na nagwagi sa series matapos mapag-iwanan sa 3-0.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/naitakas-rin/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment