Sunday, May 5, 2013

Floyd Jr., dinaig si Guerrero

LAS VEGAS (AP) ­- Lumaban si Mayweather na parang hindi nito kailanman nilisan ang ring, nagbalik matapos ang isang taong pagkakawala upang kunin ang unanimous 12-round decision kontra Robert Guerrero sa kanilang welterweight bout.



Depensa ang naging pokus ng istratehiya, at malinis na naisagawa ito ni Mayweather. Sa presensiya ng kanyang ama matapos ang 13-taon na pagliban, dinomina niya si Guerrero sa isang pagpapakita na hindi inaasahan mula sa isang 36anyos.


`’I needed my father tonight,” sabi ni Mayweather. `’My defense was on point and he told me to stick with my defense and that the less you get hit the longer you last.”


Naging dominante si Mayweather, nakakonekta ng mga malalakas na kanan at pinadugo ang mukha ni Guerrero. Nasaktan ni Mayweather si Guerrero sa ilang pagkakataon, kabilang ang sunud-sunod na pagpapakawala nito ng mga kanang suntok sa pagtatapos ng eighth round na nagpahina sa mga tuhod ni Guerrero.


Iniskoran ng tatlong hurado ang laban ng 117-111, habang 119-109 naman ang ibinigay ng The Associated Press.


`’We did it again,” ani Mayweather matapos kumita ng $32-milyon para sa isang gabi ng pagtatrabaho. `’I take my hat off to Robert Guerrero. He’s a true warrior.”


Nananatili walang talo sa loob ng 44 laban, at higit sa lahat, kinakitaan siya ng bagong sigla at posibleng ituloy ang plano na muling lumaban sa Setyembre.


‘I was looking for the knockout but I hurt my hand,” lahad ni Mayweather. `’I feel bad I didn’t give the fans the knockout.”


Si Mayweather ang 5-1 paborito patungo sa laban, ngunit kinunsidera rin si Guerrero na isang delikadong kalaban na sariwa pa mula sa kanyang malaking panalo kontra Andre Berto. Hindi pa natatalo si Guerrero sa loob ng walong taon, at nangako itong ibibigay ang unang talo ni Mayweather, na ngayon ay mayroon nang 44-0, panalotalo, na rekord.


`’Honestly, Floyd could have danced the whole night,” pahayag ni Floyd Mayweather Sr. `’There wasn’t anything he couldn’t do in there tonight.”


Inihulma ni Mayweather ang kanyang career gamit ang kanyang depensa bilang armas, at muling lumapit sa ama ­ na dati niyang trainer ­ upang maibalik ang kanyang dating istilo.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/floyd-jr-dinaig-si-guerrero/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment