Sunday, May 5, 2013

Malaysia: 3 pang Pinoy, kinasuhan

Iniulat na tatlo pang Pilipinong Muslim ang sinampahan ng kaso sa korte sa Malaysia kaugnay ng tangkang pagkubkob ng royal army ng Sultanate ng Sulu sa Sabah, Malaysia.


Base sa report na nakarating sa Sultanato, kinilala ang mga akusaado na sina Dani Ismail at Saidili Jaharul, na kinasuhan sa Lahad Datu Magistrate’s Court.



Sa Beluran Magistrate’s Court naman ipinagharap ng kaso si Pabblo Alie.


Ang nasabing tatlong Pinoy ay itinuturing ng awtoridad sa Malaysia na mga terorista at lumabag sa Malaysian Penal Code, na may parusang kamatayan.


Sina Ismail at Jaharul ay isinasangkot sa sagupaan sa Kampung Tanduo at Lahad Datu noong Pebrero 9 hanggang Abril 19 ngayong taon.


Si Pablo naman ay kinasuhan sa umano’y partisipasyon sa karahasan sa Kampung Muanad sa Beluran noong nakaraang buwan.


Tatlumpu’t tatlong Pinoy na ang sinampahan ng kaso sa Malaysia kaugnay ng pagkubkob ng mga tauhan ni Sultan Jamalul Kiram, sa pagtatangkang bawiin ang isla ng Sabah.


Iniulat ni Abraham Idjirani, tagapagsalita ng Sultanate ng Sulu, na nananatili pa rin sa Sabah si Raja Muda Kiram na namumuno sa royal army ng Sultanato. – Jun Fabon




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/malaysia-3-pang-pinoy-kinasuhan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment