Sunday, May 5, 2013

Gawa 16:11-15 Slm 149 Jn 15:26–16:4a

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kapag dumating ang Tagapagtanggol na aking ipadadala sa inyo mula sa Ama, ang Espiritu ng katotohanan na nagmumula sa Ama, iyon ang magpapatotoo tungkol sa akin. At magpapatotoo rin kayo sapagkat kasama ko kayo mula sa simula. Sinasabi ko sa inyo ang mga ito upang huwag kayong matisod at mahulog. Palalayasin nila kayo sa kanilang komunidad, at parating na ang oras na waring nagaalay ng handog sa Diyos ang sinumang papatay sa inyo. At gagawin nila ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama ni Ako. Kaya naman sinasabi ko sa inyo ang lahat ng ito upang pagdating ng oras ay matandaan ninyong sinabi ko ito sa inyo.“


PAGSASADIWA

Gagawin nila ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama ni Ako. ­ Para sa mga Pariseo, ang mga salitang ito ni Jesus at sa ibang mga nasa sinagoga na tumutuligsa at umuusig sa kanyang mga tagasunod. Ganito rin ang nangyayari ngayon, na kung hindi ang pari ang tinutuligsa, ay ang mga manggagawa sa simbahan naman ang idinadamay. Tulad sila ng mga Pariseo na nagiging bulag sa tunay na pagsamba at paglilingkod sa Diyos. Magandang pinagnilayan natin ang ating mga pagkilos at pagpuna sa mga tao at gawain sa simbahan, na kung minsan ay hindi naman nakabubuti bagkus ay lalo pang nakasisira sa pangalang Kristiyano.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/gawa-1611-15-slm-149-jn-1526-164a/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment