Sunday, May 5, 2013

Brillantes, walang panahon sa ‘doomsayers’

Ni Mary Ann Santiago


Walang plano ang Commission on Elections (Comelec) na kasuhan ang mga kritiko nito na patuloy na pumupuna sa automated election system na gagamitin sa midterm polls sa Lunes.


Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., walang dapat na ipangamba ang mga kritiko ng komisyon kahit na ang tingin niya sa mga ito ay nananabotahe lang.



Una nang sinabi ng isang grupo na naghain ng reklamo sa United Nations-Human Rights Committee,

sa pangunguna ni dating Vice President Teofisto Guingona, na isa sa dahilan sa pagsasampa nila ng kaso sa Comelec ay ang pagbabanta at lantarang pagtawag sa kanila ni Brillantes ng “election saboteurs“, “doomsayers“ at iba pang mapanirang taguri.


Nabatid na ang kasong election sabotage ay may katapat na parusa na ilang taong pagkabilanggo.


Nakasaad pa sa reklamo na sa halip na pakinggan ang kanilang mga hinaing ay binabantaan pa umano sila ni Brillantes.


Gayunman, ipinagkibit-balikat lang ito ni Brillantes.


Binigyang-diin niya na walang plano ang Comelec na kasuhan din ang mga ito.


Ipinaliwanag ni Brillantes na ang sinasabi lang niya ay malinaw namang hindi mananalo ang mga ito sa Korte Suprema at ang iba pang kaso na isinasampa ng mga ito laban sa automated election system.


“Hindi namin sila kakasuhan. Sinasabi ko lang, eto, maliwanag, ‘di sila mananalo sa SC saka sa ibang kaso. Walang matakbuhan, okay sa ‘kin tumakbo sila kung saan, ‘di ko lang alam paano makikialam ang foreign association sa local election,” sabi pa ni Brillantes.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/brillantes-walang-panahon-sa-doomsayers/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment