Saturday, May 4, 2013

Gawad Urian at Cinema One, muling nagsanib-puwersa ngayong taon

Muling nagsanib-puwersa ang Cinema One at ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino, ang pinakamatandang organisasyon ng film critics sa bansa, upang parangalan ang galing ng pelikulang Pilipino sa Gawad Urian Awards.



Pangungunahan ng numero unong cable channel ng bansa ang pagpo-produce ng Gawad Urian Awards ngayong taon pati na sa taong 2014. Ngayong 2013 ang ikatlong beses na pagsuporta ng Cinema One sa pagsasakatuparan ng naturang awards night.


Lubos naman ang galak ng pamunuan ng Cinema One sa pagiging bahagi ng Gawad Urian Awards.


“May parehong mithiin ang Cinema One at ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino at ito ay ang makiisa sa paghahatid ng de-kalidad ng pelikulang Pilipino, kilalanin ang husay ng gawang atin, at ihatid pa ang mga ito sa mas mataas na lebel,” pahayag ni Ronald Arguelles, channel head ng Cinema One.


Pahayag naman ni Tito Valiente, presidente ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, “Magkaakbay ang mga Manunuri at ang Cinema One sa hangarin. Ang Cinema One ay kilalang institusyon na humihimok sa talento at husay ng pelikulang Pilipino.”


Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino ay binubuo ng mga film scholar, propesor at mga mamamahayag. Gaganapin ang Gawad Urian awards 2013 sa Hunyo 18 (Huwebes) sa Rockwell Tent, at mapapanood sa Cinema One (Channel 56 sa SkyCable) ilang araw pagkatapos ng awards night.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/gawad-urian-at-cinema-one-muling-nagsanib-puwersa-ngayong-taon/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment