Patuloy na mararanasan sa bansa ang matinding init hanggang sa huling linggo ng Mayo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ito ay dahil sa umiiral na easterlies o maalinsangang hangin mula sa silangang bahagi ng bansa na nagdudulot ng mainit na klima, hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa mga kalapit na lugar.
Ayon sa PAGASA, naitala sa Metro Manila nitong Biyernes ang 36.4 degrees Celsius habang nasa 35.8 degrees Celsius naman ang naitala sa General Santos City sa Mindanao.
Apektado naman ng diffused tail-end ng cold front ang Northern Luzon, na makararanas ng pag-ulan sa mga susunod na araw.
Kaugnay nito, muling pinayuhan ng PAGASA ang publiko na uminom ng walong basong tubig o higit pa sa loob ng isang araw upang malabanan ang matinding init ng panahon.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/matinding-init-mararanasan-ngayong-buwan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment