Sunday, May 5, 2013

Gilas, makikipagsabayan vs. Shanghai Sharks

Ni Marivic Awitan


Laro ngayon (Mall of Asia Arena):

7:30 p.m. – Smart Gilas Pilipinas vs. Shanghai Sharks


Makakuha ng kinakailangang exposure kontra sa malalaki at malalakas na kalaban ang layon ng Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak kontra sa koponang pag-aari ni dating NBA superstar Yao Ming ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.



Ang nasabing exhibition match ng pambansang koponan laban sa Shanghai Sharks ay bahagi ng dalawang araw na event na tinagurian Philippines-China Friendship Games na magsisimula mamayang alas-7:30 ng gabi.


Maliban sa kinakailangan exposure, naniniwala rin ang Philippine Sports Commission, na siyang nasa likod ng pagtungo sa bansa ng isa sa mga koponang naglalaro sa China Basketball Association, na malaki ang maitutulong ng nasabing dalawang exhibition matches na makakatulong ito ng malaki sa pagkakaroon ng magandang relasyon ng Pilipinas at ng China.


“These games between the two countries will go a long way with our relationship with China.As you know we unite through sports.We may have some differences in other things but in sports we can build friendship,” pahayag ni PSC chairman Richie Garcia sa isang breakfast press conference na ginanap kahapon sa Solaire Manila.


Sinang ayunan naman ito ni Yao na nagsabing mas mapapalakas ng nasabing friendship games ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.


“Both countries love this (basketball) sport so much and through this games, we can increase communication of the cultures by playing basketball. We can also increase the friendship between the Philippines and China,” lahad naman ni Yao sa pamamagitan ng isang interpreter na si Guo Weisheng.


Pangungunahan ang Shanghai Sharks ng dalawang miyembro ng Chinese men’s national team na si Liu Wei, ang kapitan ng Sharks gayundin ng kanilang national men’ s squad at si 7-foot3 Zhang Zhaoxu.


Ang iba pang mga miyembro ng koponan ay sina Liu Ziqiu, Cai Liang,Ge Yang,Wu Yang, Wang Shizhang,Zhai Yi,Zhang Yuan,Wang Yong, Wang Ligang at Meng Lingyuan.


Gagabayan sila ng kanilang headcoach na si Wang Qun na naging napakatipid naman sa kanyang komento hinggil sa kanyang inaasahan sa nakatakdang dalawang laro ng kanilang team kontra sa Nationals at sa PBA selection bukas na gaganapin naman sa Smart Araneta Coliseum.


Para naman sa mga Filipino basketball fans na umaasang matutunghayan ang paglalaro ng 8time NBA All-Star at dating miyembro ng Houston Rockets sa event na magkakatulong na sinusuportahan ng SM Mall of Asia Arena,Smart Araneta Coliseum, TV5,ATC Healthcae Corp.,Friends of Philippines Foundation,Vikings Oishi Anchorland Holdings at Orocan, sinabi nitong hindi na siya makakalaro dahil sa kanyang injury sa paa na sanhi rin ng kanyang maagang pagreretiro sa NBA.


Para naman sa Smart Gilas,lalaro para sa tropa ni coach Chot Reyes sina Marcus Douthit,Jayson Castro, Jimmy Alapag, Larry Fomacier, Ranidel de Ocampo, Ryan Reyes, Jeff Chan, Gabe Norwood, Gary David, Japeth Aguilar, Marc Pingris, Sonny Thoss, LA Tenorio, Junemar Fajardo at Greg Slaughter.


Incoming search terms:





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/gilas-makikipagsabayan-vs-shanghai-sharks/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment