Sunday, May 5, 2013

Hair dresser, na-gang rape

Halinhinang inilugso ng anim na lalaki ang puri ng isang hair dresser makaraan nila itong halayin sa harap mismo ng pinsan nitong lalaki sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.


Hindi mapigil sa pag-iyak ang 26anyos na babae dahil sa sinapit, habang sinisisi naman ng kanyang pinsan ang sarili dahil wala itong nagawa habang hinahalay ang pinsan.



Sa follow-up operation, apat sa anim na suspek ang nadakip ng mga pulis na nakilalang sina Charlie Prieto,

20; Anthony Fernando, 25; Oscar Vertera, 23; John Cruz, pawang ng Lot Excess, Bagong Silang, Caloocan City.


Pinaghahanap pa ang dalawa pang kasama ng mga suspek.


Isinalaysay ng biktima kay SPO1 Cherilyn Alaon, ng Women’s and Children’s Concern Desk (WCCD) ng Caloocan North Police, na bandang 3:00 ng madaling araw nang niyaya niya ang pinsan na kumain ng lugaw sa Bagong Silang.


Sa kanilang paglalakad pauwi, nasalubong nila ang mga suspek na umano’y bangag sa droga.


Tinutukan ng mga suspek ng patalim ang magpinsan hanggang naispatan ng mga ito ang Blackberry phone ng biktima na sapilitang kinuha sa huli.


Dahil makinis at maputi, hinatak ni Prieto sa damuhan ang biktima at ginahasa habang ang lima nitong kasama ay nakapigil sa magkabilang kamay ng pinsan ng biktima, na hinalay ng iba pang kasama ni Prieto. – Orly L. Barcala




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/hair-dresser-na-gang-rape/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment