Sunday, May 5, 2013

‘Huwag sumuko’ Olympics, mararating din ng Pilipinas

Ni Angie Oredo


Hindi dapat sumuko ang Pilipinas sa hangad nitong muling makatuntong sa Olympics sa larangan ng basketball.


Ito ang sinabi ni dating Chinese basketball national team member Yao Ming sa isinagawang breakfast conference sa Solaire Resort and Casino kahapon ng umaga kung saan nakasama nito ang mga opisyal at miyembro ng pagmamay-ari na Shanghai Sharks pati na sina China Counselor General Pang Feng at ang delegasyon ng Chinese media.



“We know we share a lot of passion and love for basketball. However, we need to set our goals and also observe the improvement in the region. There is no secret here but how we want to achieve our goals,“ sabi ng dating Houston Rockets center at naging 8th time NBA All-Star na si Yao.


Bagaman napipigilan na ibahagi ang sikreto sa programa na nakapagtulak sa China upang ilang beses tumuntong sa Olimpiada, sinabi ni Yao na malaki ang tulong na malawak ang pinagkukunan ng talento ng kanilang bansa at may sistema na sinusunod para masustinahan ang kanilang programa sa basketball.


“Improve grassroots, have a system and a lasting program,“ sabi ni Yao, na matatandaang isa sa miyembro ng China squad na binigo ang Pilipinas noong 1990 Asian Games para sa gintong medalya.


Dalawa naman sa miyembro ng kasalukuyang Chinese National Team ang kasamang maglalaro para sa Shanghai Sharks. Isa dito si Liu Wei, na siyang team captain ng Shanghai Sharks at China national basketball team at ang isa sa pinakamataas sa koponan na si 7-foot-3 Zhang Zhaoxu.


Ang China ay nakatakdang lumahok sa isasagawa sa bansa na 2013 FIBA Asia Men’s Championships sa Agosto 1-11 kung saan tatlong puwesto ang pinaglalabanan para makatuntong sa 1st FIBA Basketball World Cup sa Spain.


Idinagdag naman ng kasamang coach na si Qun Wang na maraming mga batang manlalaro sa China ang malaki ang posibilidad na makatuntong din sa NBA tulad ni Yao, partikular na ang mga miyembro ng juniors team nito na naglaro sa FIBA Under 18.


Hindi naman makakalaro si Yao dahil sa iniinda nitong injury bagaman ipapalabas ang laban ng Sharks at Gilas sa TV 5, ang official TV Station at suportado ng SM Mall of Asia Arena, Araneta Coliseum, ATC Healthcare Corp., Friends of the Philippines Foundation, Vikings, Oishi, Orocan at Anchorland Holdings.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/huwag-sumuko-olympics-mararating-din-ng-pilipinas/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment