Sunday, May 5, 2013

MAPANGANIB NA PROPESYON

MAHALAGA ang ika-3 ng Mayo ng bawat taon sapagkat pagdiriwang ito ng World Press Freedom Day.

Ngayong 2013 ay ika-20 anibersaryo na nito. Ang paksang pinili ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ay “Safe to Speak, Securing Freedon in All Media.“



Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng World Press Freedom Day, sa 2013 Impunity Index ng Committee to Protect Journalists (CPJ), ang Pilipinas ay pangatlo sa mga mapanganib o delikadong lugar para sa mga journalist. May 55 ang napapatay na journalist sa loob ng isang dekada na hindi pa nalulutas. Kabilang dito ang Maguindanao massacre noong Nobyembre 23,2009. Sa 57 kataong pinaslang ay 27 ang journalist. Pinatay sila sa isang malagim at karumal-dumal na paraan ng mga kampon ni Satanas sa lupa, mga asal-hayop at halimaw.


Hanggang ngayon, mag-aapat na taon na ang kaso, ang mga utakkriminal na nasa likod ng pagpatay na mamamahayag ay nasa kulungan ay hindi pa rin naparurusahan. Mailap pa rin ang katarungan sa mga biktima. Bunga ito ng pagiging lampa at kahinaan ng ating justice system.


Sa bawat rehimen, may mga reporter at broadcaster na nagiging biktima ng karahasan at pagpatay.

Mula 1986, na naibalik ang kalayaan sa pamamahayag na binusalan at sinikil ng isang diktador, ay mahigit nang 90 reporter ang piƱata. Naglulunsad lagi ang PNP ng imbestigasyon. Nagtatatag pa ng task force. May nadarakip na suspek ngunit ang utak ng mga bulok na pulitiko at puno ng sindikato ay hindi madakip. Patuloy na nakalalaya, nakalilikas pa patungo sa ibang bansa.


Kahit sinasabing may mga alagad ng media na umabuso sa press freedom, ang pagpatay ay hindi naman dapat mangyari. May mga batas sa libelo na magagamit ang mga nasagasaan sa pagbubunyag, batikos at isinulat ng reporter o broadcaster.


Isa nang MAPANGANIB NA PROPESYON ang pamamahayag sa ating bansa. Ang Pilipinas ay natagurian nang “most murderous country for journalists.“ Ngunit ang pagpaslang at pagpatay kailanman ay hindi makababali sa gulugod ng pamamahayag. Magpapatuloy ang paninindigan lagi sa kalayaan, katotohanan at katarungan.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/mapanganib-na-propesyon/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment