Pinalaya nitong Huwebes ng gabi ng New People’s Army (NPA) ang isang kandidatong alkalde sa Davao Oriental, na dinukot ng rebeldeng grupo kamakailan.
Kinumpirma kahapon ni Davao Oriental Police Provincial Office director Senior Supt. Jose Carumba ang pagpapalaya kay Ronie Usman, sa Baganga, Davao Oriental, matapos ang limang araw na pagkakabihag ng mga rebelde.
Inaalam pa ng pulisya kung nagbayad ng campaign fee si Usman para mapalaya ng mga rebelde.
Sinabi ni Carumba na pagod na pagod si Usman kaya pinabayaan muna nila itong makapagpahinga at isasailalim sa debriefing bago kunin ang buong detalye sa pagkakadukot dito.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Carumba na dinukot si Usman ng Front Committee 15 ng NPA habang nangangampanya sa Barangay Sampawan sa Bagangga.
Samantala, nagpahayag naman ng kagustuhang sumuko sa awtoridad si Bangued, Abra Mayor Ryan Seasres Luna, na pinaghahanap dahil sa kasong murder.
Ang pagsuko, na gagawin umano bago ang eleksiyon, ay ipinaabot sa kapatid ng alkalde na si Jendrey Luna Iforong, bagamat nangangamba ang pamilya para sa seguridad ng mayor.
Si Luna ang itinuturong utak sa pagpatay kay Brenda Crisologo, asawa ni Tineg Mayor Edwin Crisologo, noong 2010. – Fer Taboy
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/kandidatong-mayor-pinalaya-ng-npa/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment