Friday, May 3, 2013

WHITE VOTE

Pagkatapos na tila hindi kumagat ang “Team Patay” at “Team Buhay”, ay may bagong pakulo na naman ang ating mga kaparian, mga Obispo at kung anu-ano pang organisasyong pangrelihiyon. Ito ay tinatawag nila ngayong “White Vote” movement



Inulunsad daw po ang “White Vote” para matulungan ang mga senatorial candidate na lumaban sa kontrobersiyal na Reproductive Health law na ipinasa noong nakaraang taon, at para rin patunayan na talagang mayroon noong tinatawag na “Catholic Vote”.


“The Catholic Church is not dead,” sabi pa ni El Shaddai founder Mike Velarde. “Buhay ito, may puwersa ito”, sabi pa.


O, siya sige, buhay na kung buhay. Pero dapat ba talagang makialam nang husto ang Simbahan sa affairs ng Estado? Hindi ba dapat ay ituon nila ang kanilang pansin sa lumalaganap na imoralidad sa bansa partikular sa kabataan?


Sila na nga ang nagsasabing parami nang parami ang nagsasama ngayon ng hindi kasal. Parami nang parami ang hindi na nagsisimba. Parami nang parami ang pag-asawahang nagsisipaghiwalay. Sa mga mag-asawa ay parami nang parami ang “nagkakaliwaan”. Bakit uunahin nila ang “White Vote”-“White Vote” kaysa harapin ang malaking problemang ito sa moralidad ng mga Pinoy? Bakit hindi sila maging “mababa” sa paningin ng Diyos at ng Tao tulad ng ginagawang halimbawa ni Pope Francis?


Malaki ang problema ng bansa sa moralidad. Sa isang pag-aaral ay sinasabing paunti nang paunti ang nagpapari. Umuunti na rin ang mga nagsisipagsimba. Karamihan sa kabataan ngayon ay gusto pa ang magsipag text at makipag-date kaysa magtungo sa simbahan. Bakit?


Iyan siguro ang dapat na pagtuunan ng pansin ng ating mga pari at obispo at hindi ang sobrang pakikialam sa pulitika. Kung gusto nilang makilahok sa pulitika ay puwede naman sigurong bumitiw muna sa pagkapari o pagka-obispo tulad ng ginawa ni Among Ed ng Pampanga. Pero habang nasa Simbahan ka, harapin mo ang talagang tungkulin mo na pangalagaan ang moralidad na iyong mga kawan.


Hindi ba, Utol na Celo?




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/white-vote/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment