Saturday, May 4, 2013

Kris, kumpirmadong kakandidato sa 2016

Ni Reggee Bonoan


Kris Aquino KUMPIRMADO na ang pagtakbo ni Kris Aquino sa 2016 elections na inamin niya mismo sa panayam ng TV Patrol noong Huwebes ng gabi. “I want to start in a big city,“ na ang ibig sabihin ay hindi national position.


Matatandaang habang nagbabakasyon sa Italy ang mag-iinang Kris, Josh at Bimby noong Mahal na Araw ay pumutok ang balitang kakandidato siya sa pagkabise presidente sa 2016. Ayon kay retired Archbishop Oscar Cruz na naglabas ng naturang impormasyon, galing sa sources niya na taga-MalacaƱang ang balita.



Makailang beses naming tinext si Kris habang nakabakasyon tungkol sa isyung ito pero hindi niya kami sinasagot.


Nitong nakaraang linggo, habang sinasamahan niya sa pangangampanya sina Chiz Escudero, Grace Poe, Sonny Angara, Allan Peter Cayetano at Bam Aquino ay muli namin siyang tinext para tanungin kung nagpapraktis na ba siyang mangampanya para sa 2016 candidacy niya. Still, hindi pa rin niya kami sinasagot.


Pero sa pangangampanya niya sa Davao City para kay Vice-Mayor Rodrigo Duterte ay nagbiro siya ng, “Mayor Duterte, hello, friends na tayo. Kahit hindi ninyo pinapanalo si Noy noong 2010, sa 2016 dapat manalo ako,“ say mismo ng Queen of All Media.


Kaya Bossing DMB, malinaw pa sa sikat ng araw ang sagot ni Kris.


(Editor’s note: Pagkagaling sa Davao, nang humarap siya sa media briefing sa Cebu, nilinaw ni Kris na hindi siya kakandidato sa Makati City ­ dito siya nakarehistro bilang botante ­ dahil aniya’y mahirap tibagin ang mga Binay, at hindi rin national position ang tatakbuhan niya kundi gobernador ng Tarlac.)




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/kris-kumpirmadong-kakandidato-sa-2016/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment