Monday, May 6, 2013

NBA MVP, napasakamay ni LeBron

MIAMI (AP)– Hindi maipagkakaila na ito ang pinakamagandang season ni LeBron James, at hindi ito nakaligtas sa pansin ng mga bumoto para sa Most Valuable Player ng NBA.



Bagamat kinulang ng isang boto upang maging unang unanimous choice bilang MVP ng NBA, wala namang nakalapit upang pagtangkaan si James ngayong season. Iginawad sa superstar ng Miami Heat ang Maurice Podoloff Trophy sa ikaapat na pagkakataon sa kanyang career matapos makuha ang 120 sa 121 first-place votes, habang napunta kay Carmelo Anthony ng New York Knicks ang natirang boto.


”It was probably a writer out of New York that didn’t give me that vote,” sabi ni James. ”And we know the history between the Heat and the Knicks, so I get it.”


Isang panel ng 120 sportswriters at broadcasters ang nagbigay ng mga balota para sa NBA MVP, habang binilang din ang mga pinagsama-samang online fan votes.


Nakuha ni Shaquille O’Neal ang bawat boto para sa unang puwesto maliban sa isa noong 1999-2000 season kung saan may isang bumoto para kay Allen Iverson – na nagtapos sa ikapitong puwesto.


Ngayong season, pumangalawa si Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder, habang pumangatlo si Anthony. Si James ang tanging player na nakalista sa lahat ng 121 balota; hindi naisama si Durant sa dalawa, ayon sa resultang inilabas ng NBA.


”I’ll take that vote,” ani Anthony, at idinagdag na karapat-dapat si James na manalo.


Sa mga nakaraang buwan, dalawang katanungan lamang ang nangibabaw tungkol sa karera para sa MVP ngayong season: Kailan makukuha ni James ang award, at magiging unanimous ba ang resulta? Nasagot ang unang tanong noong nakaraang Biyernes, at ang pangalawa noong Linggo. At matapos tanggapin ang award, agad niyang ibinalik ang kanyang atensiyon sa target ng Heat na makopo ang ikalawang sunod na titulo.


Magiging host ang Miami ng Chicago sa Game 1 ng Eastern Conference semifinals ngayong araw, at dito pormal na ibibigay ni Commissioner David Stern ang tropeo kay James.


”My ultimate goal is to win an NBA championship,” ani James. ”That’s what I was brought here for. That’s why I signed here as a free agent in 2010. It wasn’t to win MVP trophies. It was to win a championship – and win multiple championships – and that’s still my No. 1 priority.”


Nag-average si James ng 26.8 puntos, 8.0 rebounds, 7.3 assists ngayong season upang pangunahan ang Miami sa pinakamagandang rekord sa liga na 66-16 habang may career-high na 56 porsiyento sa shooting. Tanging sina Kareem Abdul-Jabbar (anim), Michael Jordan (lima), Bill Russell (lima) at Wilt Chamberlain (four) ang iba pang maraming MVP awards, at si Russell lamang ang nakakuha ng apat sa loob ng limang taon, at si Abdul-Jabbar ang nag-iisang nakakuha ng back-to-back ng dalawang beses tulad ng nagawa ni James noong 2009 at 2010 at nitong 2012 at 2013.


Si James ang tanging manlalaro sa NBA na nanguna sa kanyang koponan sa scoring, rebounding at assists kada laro ngayong season, naglista ng rekord na anim na sunod na laro kung saan nakaiskor siya ng 30 puntos o higit pa, at naging pinakabatang player sa kasaysayan na mabasag ang 20,000-career-point plateau at nakuha ang lima sa anim na pagkilala bilang Eastern Conference player of the month.


Si James na ngayon ang ikalawang player sa kasaysayan ng NBA na nakapagposte ng 2,000 puntos, 600 rebounds, 500 assists at 1000 steals sa isang season ng dalawang beses upang makahanay si Larry Bird na nagawa ito ng tatlong beses. Ang isa pang player na nakagawa nito ay si Michael Jordan.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/nba-mvp-napasakamay-ni-lebron/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment