Monday, May 6, 2013

Pinay, ikakasal, nasawi sa California


Namatay ang isang babae at apat na kasapi ng kanyang bridal shower nang biglang lumiyab ang kanilang nirentahang limousine patungo sa isang party sa California upang ipagdiwang ang kanyang kasal, iniulat noong Linggo.


Nakalabas ang driver ng limo at ang apat na babae sa nasusunog na behikulo, ngunit hindi nakalabas at natusta ang nobya at ang apat pa niyang kaibigan.



“We don’t know what caused the accident yet,” sinabi ni California Highway Patrol Officer James Evans sa The San Francisco Chronicle.


“It wasn’t a traffic collision, we do know that, but we are still investigating.”


Iniulat ng Chronicle na ang babaeng binibigyan ng bridal shower ay kakakasal lamang at binabalak na bumalik ng Pilipinas para sa isa pang seremonya ng kanyang kasal sa susunod na buwan.


Ngunit sa hindi malamang dahilan, biglang nagliyab ang limousine patungo sa wedding shower sa karatig na Foster City habang sila ay nasa San Mateo Bridge, sa timog ng San Francisco.


Ang mga nasawi, nasa edad 30s at 40s, ay kinabibilangang ng bagong kasal na si Neriza Fojas, 31, ng Fresno, ayon sa Chronicle, na kinilala ng kanyang kapatid na babae. – Agence France Presse




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/07/pinay-ikakasal-nasawi-sa-california/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment