Friday, May 3, 2013

P.50 rollback sa pasahe, iginiit

Pormal nang inihain ng National Center for Commuters Safety and Protection (NCCSP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon para sa 50 sentimos na bawas-pasahe sa pampasaherong jeep.



Sa pahayag ni Elvira Medina, pangulo ng NCCSP, humiling ang kanyang grupo ng 50 sentimong rollback sa minimum na pasahe sa jeep, at P1 naman ang hiling nilang bawasin sa minimum fare sa mga metro at provincial bus, air-conditioned at non air-conditioned.


Nabatid na muling binuhay ng NCCSP ang nasabing petisyon, na Hulyo 2012 pang nakabimbin sa LTFRB.


Magugunitang noong nakaraang taon, P10 ang hiling na tapyasin sa flagdown rate sa taxi, na kasalukuyang nasa P40.


Sinasabing hindi na hiniling ng NCCSP ang bawas sa mga susunod na kilometro dahil masyado na umanong maaapektuhan nito ang mga namamasadang driver. – Jun Fabon




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/p-50-rollback-sa-pasahe-iginiit/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment