Friday, May 3, 2013

Trainer’s fund, hiniling na bawasan

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nareresolba ang isyu hinggil sa panukalang tanggalin ang trainer’s fund na ibinibigay sa trainer’s association mula sa premyo ng mga kabayo, habang tahimik naman ang mga horse owner sa jockey’s fund.


Maraming horse owner ang nagkibit-balikat habang ang ilan sa kanila ay umaaray sa kahilingan ng tatlong dambuhalang horse owner organizations sa bansa.



Ang tatlong organisasyon na kinabibilangan ng Metropolitan Association Race Horse Owner (MARHO), PHILTOBO at Klub Don Juan de Manila (KDJM) ay nagharap ng petisyon sa tanggapan ng Philippine Racing Commission (Philracom) na humihiling na huwag na silang kaltasan ng trainer’s fund na binabawas sa mga premyo ng kabayo.


Idinahilan ng mga horse owner, sa pangunguna ni Tarlac Cong. Jeci Lapuz at Manila 5th District Cong. DonDon Bagatsing, na maliit na premyo lamang ang kanilang natatanggap mula sa mga nagsisipanalong kabayo.


Lubha umanong malaki ang nawawala sa kanila sa bawat 3 porsiyentong kinakaltas sa kanila para sa trainer’s fund.


Hindi pa kasama dito ang 2.5 % na kinakaltas naman para sa jockey’s fund.


Kung reresolbahin ang isyu ay puwede umanong bawasan ang 3% kinakaltas sa mga horse owner para sa trainer’s fund dahil hindi magiging makatuwiran kung tatanggalin lahat.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/trainer%e2%80%99s-fund-hiniling-na-bawasan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment