Nagpahayag ng pagkaalarma ang environment watchdog na EcoWaste Coalition matapos matuklasan na ilang reusable water bottle na popular na ginagamit ng mga bata, ang may mataas na antas ng delikadong kemikal na lead sa disenyo at pintura ng mga ito.
Ayon kay Thony Dizon, coordinator ng Project Protect ng EcoWaste Coalition, bumili ang grupo ng 30 aluminum, stainless steel at plastic water bottle na nagkakahalaga ng P15-P344, at natuklasang 14 sa mga ito ay may lead na umaabot sa 100,000 parts per million (ppm).
Aniya, napakataas nito kumpara sa US limit na 90 ppm para sa lead sa pintura at surface coatings.
Ang mga sample ay nabili umano ng EcoWaste sa iba’t ibang tindahan sa Binondo at Divisoria sa Maynila, gayundin sa ilang lugar sa Cubao, Quezon City.
Sa mga nasabing sample, apat lang umano ang may kumpletong impormasyon hinggil sa manufacturer o distributor.
Wala naman sa mga produkto ang nagsasaad ng impormasyon tungkol sa chemical ingredients at wala ring precautionary warning ang mga ito hinggil sa lead at iba pang kemikal na ginamit sa paggawa sa mga naturang reusable water bottle.
Ayon kay Dizon, bagamat kinikilala nila ang ecological at financial benefits sa paggamit ng reusable water bottle, nakakaalarma naman, aniya, na bigo ang nasabing produkto na makasunod sa pangunahing chemical safety at product labeling requirement na itinatakda ng batas.
Iginiit rin ni Dizon na ang mga kid-safe reusable water bottles ay hindi lamang dapat na madaling dalhin, matibay at magaan, kundi dapat din na ligtas sa mga delikadong kemikal. – Mary Ann Santiago
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/reusable-water-bottles-may-lead/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment