Friday, May 3, 2013

Big-time estafa suspect, arestado

Naaresto ng pulisya ang isang 44-anyos na ginang, na wanted sa kasong estafa makaraang tangayin ang P1.6 million ng isang negosyante, makaraang masakote sa entrapment operation ng pulisya sa Quezon City nitong Huwebes.


Kasalukuyang nakapiit sa Quezon City Police Station 3 si Editha S. Siasat, ng 12 Silver Street, Rockville Subdivision, San Bartolome, Quezon City.



Inaresto si Siasat kaugnay ng kasong isinampa ni Francisco Pascual, 55, negosyante ng San Antonio, Nueva Ecija.


Sa pangunguna ni PO3 Frederick Oconer, naaresto ang suspek sa isang convenience store sa panulukan ng Mindanao at Quirino Avenues sa Barangay Talipapa, Quezon City, dakong 2:00 ng umaga.


Ayon sa pulisya, isang transaksiyon ang inilapit ni Siasat kay Pascual at matapos na ibigay ng biktima ang pera sa suspek ay nagtago na umano ang huli.


Humingi ng tulong sa pulisya ang biktima hanggang isagawa ang entrapment operation. – Fer Taboy




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/big-time-estafa-suspect-arestado/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment