Sunday, May 5, 2013

School lunch bags, may lead

Maging ang mga school lunch bag na pinaglalagyan ng mga baon ng mga mag-aaral ay hindi rin ligtas sa lead contamination.


Ito ang ibinunyag ng ecological group na EcoWaste Coalition, makaraang suriin ang ilang sample ng mga naturang lunch bag.



Ayon kay Aileen Lucero, acting coordinator ng EcoWaste, natuklasan nilang kontaminado ng 3,347 parts per million (ppm) ng nakalalasong lead ang 27 sa 35 sample ng school lunch bag na binili nila ng P30-P200 sa Divisoria at Quiapo sa Maynila.


Nabatid na ang mga lunch bag na may mataas na antas ng lead ay may makukulay at magagandang disenyo at gawa sa plastic.


Nagbabala naman si Lucero na nakaaalarma at delikado ito dahil ang lead sa mga lunch bag ay maaaring malipat sa mga pagkain o sa kamay ng mga bata at makain nila ito.


Nilinaw naman ni Lucero na hindi nila nais na takutin ang mga magulang sa kanilang babala ngunit ayaw naman, aniya, nilang ipagwalambahala ang pagkakaroon ng lead sa sisidlan ng pagkain ng mga bata.


Una nang ibinunyag ng grupo na kontaminado rin ng lead ang mga kiddie backpack, mga reusable water bottles at lapis at krayola na nabibili sa mga bargain store sa Maynila. – Mary Ann Santiago




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/school-lunch-bags-may-lead/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment