Sunday, May 5, 2013

Chicago, sinuwag ang Brooklyn Nets sa Game 7; Noah, nanguna


Ang unang Game 7 sa Brooklyn ay hindi pagmamay-ari ng Nets, kundi ng taong naglaro dito noong siya ay nasa high school.


`’I'll remember this for the rest of my life,” sabi ni Joakim Noah.


Bagamat binagabag ng mga injury at iba pang sakit, naging determinado ang Chicago Bulls at tinalo ang Nets, 99-93, upang maibulsa ang serye sa first round.



Gumawa si Noah ng 24 puntos at humatak ng 14 rebounds, habang umiskor din si Marco Belinelli ng 24 puntos upang tulungan ang Bulls na makaabante sa second round series kontra sa nagtatanggol na kampeong Miami Heat na mag-uumpisa bukas.


Nagdagdag si Carlos Boozer ng 17 puntos nang pagpagin ng Bulls ang injury sa dalawa nitong starter at harangin ang bawat pagtatangka ng Nets sa ikalawang hati upang mapanalunan ang Game 7 sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa.


`’I'm just so proud of this team. We’ve been fighting through so much all year and to be in this situation, play on the biggest stage in the world and to be able to win and now play against the Heat, all these experiences, I (don’t) take those for granted,” ani Noah.


Binuksan ng Bulls ang isang 17 puntos na bentahe sa halftime at nakakita ng daan upang makakuha ng malalaking basket sa tuwing nakakalapit ang Nets upang isara ang nag-iisang do-or-die game ng NBA sa first round.


`’I thought our guys, we took a big punch in Game 1 and we kept fighting back and that’s been the story of the season,” lahad ng head coach ng Bulls na si Tom Thibodeau.


Naglista si Deron Williams ng 24 puntos, pitong assists at anim na rebounds para sa Nets. Sinubukan nilang maging ika-siyam na koponan sa NBA na mapanalunan ang serye matapos maghabol sa 3-1.


Ngunit naging maluwag ang kanilang depensa sa first half at hindi rin pumutok sa opensa si Joe Johnson at nagtapos lamang na may anim na puntos sa kanyang 2-for-14 shooting, kabilang ang 1-of-9 mula sa 3-point range.


Sa pagkawala ni Luol Deng dahil sa sakit, injury sa hita kay Kirk Hinrich, at ang hindi pa rin handing magbalik na si Derrick Rose, sumandal ang Bulls kay Noah. Siya ay naglaro sa loob ng 41 minuto at mayroong 12-of-17 shooting kasama ng anim na shotblocks.


`’It’s disappointing. We won Game 6, we felt like this was our series, but they came out and played a great game,” sabi ni Williams. `’Noah, like I said, he’s a warrior. He battled through his injuries and just had a monster game. We really had no answers for him down low tonight.”


Binuksan ng Nets ang fourth period na may isang puntos lamang sa loob ng unang limang minute habang sunudsunod na basket naman ang nagawa ni Boozer upang bigyan ang Bulls ng double-digit lead. Sinubukan ng Nets na makabawi at naibaba sa apat ang kalamangan ng kalaban sa likod ng 3-pointer ni Williams sa huling 26 segundo, ngunit nakagawa si Belinelli ng apat na free throws mula roon.


Gumawa si Brook Lopez ng 21 puntos at siyam na rebounds, at nagtapos si Wallace na may 19 puntos para sa Nets.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/chicago-sinuwag-ang-brooklyn-nets-sa-game-7-noah-nanguna/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment