Pinangunahan ni Bishop Francisco M. De Leon, DD ng Deyosesis ng Kalookan, ang pagbubukas at pagbebendisyon ng bagong Segunda Mana Charity Store sa San Roque Cathedral sa lungsod ng Kalookan kahapon, May 4, 2013 kaugnay ng ika60 anibersaryo ng Caritas Manila. Sa kabutihang loob Deyosesis ng Kalookan at ng parokya ng San Roque sa Kalookan, napagkalooban ng libreng pwesto ang Caritas Manila upang maglagay ng Segunda Mana Charity Store sa compound ng Cathedral malapit sa munisipyo ng nasabing lungsod.
Ang Segunda Mana Charity Store sa San Roque, Kalookan ang pangsampung sangay nito at pangalawang tindahan sa lungsod ng Kalookan. Ang mga nauna ay nasa sa Makati Cinema Square, sa Harrison Plaza, sa Victory Central Mall sa Kalookan, sa Star MallEDSA, sa Sta. Lucia Mall sa Rizal, Sa Star Mall Metropolis sa Alabang, sa Victory Shopping Centre sa Alabang, sa Isetann Recto, at syempre ang original sa compound ng Caritas Manila sa Pandacan.
Ang mga mabibili sa Segunda Mana ay mga donasyong damit, sapatos, laruan, kasangkapan, furniture sarisari, may bago at luma, lahat sa murang halaga. Layunin ng Segunda Mana ang hikayatin ang ating kapwa na tumulong sa mga nangangailangan sa paraan ng pagdo-donate mga gamit na hindi na nila kailangan, sobra sa kanila, o papalitan na nila. Ang pagbili naman ng mga donasyong ito ay isa ring pamamaraan ng pagtulong.
Ang pondong nakakalap ng Segunda Mana ay ginagamit sa iba’tibang programa ng Caritas Manila para sa mga mahihirap at nangangailangan. Sa ngayon, isang malaking bahagi na ng pondo para sa mahigit tatlong libong iskolars ng Caritas ang nagmumula sa Segunda Mana. Ito rin ang isa sa mga pangunahing pinaghuhugutan ng pondo para sa panahon ng krisis at kalamidad.
Maraming salamat sa Deyosesis ng Kalookan, sa parokya ng San Roque, at kay Bishop Francisco de Leon.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/segunda-mana-sampung-branch-na/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment