Saturday, May 4, 2013

Comelec: Kandidato sa banderitas, ipinagbabawal

Panahon ng mga piyesta at karaniwan nang tanawin ngayon ang banderitas—ngunit ang makita ang pangalan o mukha ng kandidato na nakaimprenta rito ay ibang usapan na.


Kaya naman nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato tungkol sa mga patakaran ng komisyon sa common poster area, na nagsasabing “posters can only be posted in common poster areas.”



“’Yung banderitas na ‘yun, considered ‘yun na maliit na poster, so hindi ka puwedeng maglagay kung saan-saan,” sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez sa isang panayam.


Mas malala pa, aniya, kung ang mga banderitas ng kandidato ay nakasabit sa mga poste ng kuryente.


“Mas lalong hindi ka puwedeng maglagay sa kawad ng kuryente. Ngayon, although ‘yung banderitas technically hindi siya naka-string sa kuryente all the time, it’s still in the same place, the danger is there, so hindi pa din siya pwede,” paliwanag ni Jimenez.


Alinsunod sa Comelec Resolution 9615, ang mga partido at kandidato ay maaari lang na magpaskil ng campaign materials sa mga itinakdang common poster area sa mga pampublikong lugar at sa mga pribadong lugar kung pinahintulutan ito ng may-ari.


Ang paglabag sa nasabing resolusyon ay isang election offense, na may katapat na parusang isa hanggang anim na taong pagkakakulong, pagbawi sa karapatang bumoto at pagbabawal na manungkulan sa gobyerno.

Leslie Ann G. Aquino/ Manila Bulletin




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/comelec-kandidato-sa-banderitas-ipinagbabawal/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment