Friday, May 3, 2013

Senatorial bets ni Mother Lily

ni Dindo M. Balares


BLIND item muna na may pangalan, for a change. Type n’yo?


Hindi siguro inaasahan ng not so young actress na mapapadpad sa Misibis Bay sa Cagraray Island, Bagacay, Albay ang napakaraming entertainment writers.



Hayun, kinulit-kulit sa katatanong ng mga katoto ang personnel ng world-class na resort at nabuking na tatlong not so young actors na ang dinala ng not so young actress doon, sa magkakaibang panahon.


Una si Jason Abalos.


Pangalawa si Matteo Guidicelli.


Pangatlo si Gerald Anderson.


Hay, sobra naman kung hindi pa ninyo mahulaan kung sino ang not so young actress.


–ooOoo—

Hindi lang sina President Noynoy Aquino at Vice-President Jejomar Binay ang may senatorial line-up.


Mayroon din si Mother Lily Monteverde, gaya noong nakaraang elections.


Sa naunang siyam na senatoriables na naipakilala na niya sa entertainment press (13 senatorial bets ang kabuuang bilang, ayon sa kanyang trusted media handler na si Jun Nardo), kayo na ang magbilang kung saang partido nanggaling ang pinakamarami – kung sa Liberal o sa UNA.


Iisa-isahin namin, kasama ang impresyon ng inyong abang lingkod nang iharap sila sa movie press.


–ooOoo–

Una si Grace Poe. Halata sa kanyang maayos na pananalita ang kanyang organisadong utak at ang pagiging US-educated. Super proud siya sa values at heritage na natutuhan at namana niya sa kanyang kinagisnang mga magulang na sina Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces.


Loren Legarda, listo ang utak at maging sa pananalita at hindi nagkakampante kahit siya ang nangunguna sa mga survey kaya tuloy siya sa paglilibot para ipaalam sa publiko ang maraming batas na naipasa niya. Gusto namin ang giveaway niya na seedlings ng atis, suha, kamias, cacao, at marami pang iba.


Allan Peter Cayetano, disiplinado, focused, at family-oriented. Katunayan, isinama niya sa kanyang pagharap sa movie scribes si Direk Lino Cayetano na tumatakbo for congressman sa Taguig.


Bam Aquino, sa personal ay hindi naman pala siya totoong kamukha ng idolo kong si Sen. Ninoy Aquino, nadadala lang ng salamin na kinopya niya sa style ng ating modernong bayani.


Risa Hontiveros, may alampay talaga siya maging sa personal. Tama ang komento ng isang kaibigan namin na kahit makamasa ay hindi maka-identify sa kanya ang mga ordinaryong Pinoy dahil nagmumukha siyang sosyal sa alampay niya.


Chiz Escudero, hindi kami nakadalo sa presscon ni Chiz pero dahil sinabi ng kanyang publicist na kaibigan namin na mabait siyang boss, naniniwala naman kami. Seriously, nakaharap na namin si Sen. Chiz sa breakfast with Kris Aquino last year, at kahit tulad ng marami ay hindi namin gusto ang monotone niyang pagsasalita, may laman at lalim ang mga sinasabi niya.


Antonio Trillanes IV, visionary, street smart pero disiplinado, at tulad ng maraming kabataan ay mataas ang pangarap para sa Pilipinas – at pursigido siyang maisakatuparan ito anuman ang mangyari. Karapatdapat sa paghanga dahil bumabangga sa pader kung kinakailangan, ultra serious pero napapangiti rin naman pala – lalo na nang tanungin kung may mga bading din ba sa military. Riot ang presscon sa kanyang pagiging game sa biruan. Oragon.


Richard Gordon. Sa mga pananalita’t prinsipyo, over-qualified si Dick Gordon for senator. Dapat sa kanya ay maging presidente ng Pilipinas. Pero tulad ng isa sa mga paksang tinalakay ko sa bago kong libro, hindi pa nakahanda ang maraaming Pinoy sa presidenteng matino. Pansamantala, magpa-demote muna siya sa Senado.


–ooOoo–

Kagabi, iniharap naman ni Mother Lily sa entertainment press si Cynthia Villar. Wala pa kaming maikokomento sa kanya dahil sinulat namin ito bago pa man isinagawa ang presscon.


Sa siyam na nabanggit, magkapareho ba kayo ng choices ni Mother Lily? Hintayin ang apat pang nalalabi sa kanyang kumpletong line-up.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/senatorial-bets-ni-mother-lily/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment