Dahil sa nararanasang mga epekto ng climate change, nanawagan sa gobyerno si United Nationalist Alliance (UNA) senatoriable Jack Enrile na gumawa ng mga paraan para maproteksiyunan ang supply ng pagkain sa bansa.
Ayon kay Enrile, kung talagang seryoso ang gobyerno, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), na maging sapat ang supply ng pagkain sa bansa, dapat na ngayon pa lang ay simulan na ang masusing pag-aaral hinggil sa epekto ng climate change sa bansa.
Sinabi ni Enrile na dapat na paghandaan ang “ill-effects at radical changes of weather’ sa Pilipinas upang hindi masira ang mga pananim at hindi kapusin ang supply ng pagkain sa bansa.
“The threat of climate-related events like typhoons is all too real. We need to be prepared now instead of going into a panic mode when situations threaten our food supply,” ani Enrile.
Sinabi pa ni Enrile na tiyak na lulubha ang kriminalidad sa bansa kapag kinapos ang pagkain ng mga Pilipino.
“When that happens, you know what comes next — hunger that could lead to desperation, food riots,” ayon sa mambabatas.
Iginiit ni Enrile na dapat ay magplano ang DA ng “sustainable farming strategies”, gaya ng paggamit ng mga bagong teknolohiya at pagtatanim ng “climate-resistant plant varieties.”
Si Enrile ang nagpanukala ng HB 4626 (Food for Filipinos Act) na nagbibigay ng 10-taong food masterplan para matiyak ang supply ng pagkain sa bansa. – Mary Ann Santiago
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/supply-ng-pagkain-dapat-proteksiyunan/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment