Friday, May 3, 2013

PH Volcanoes kontra Hong Kong

Sasagupa ang Philippine Volcanoes national rugby team sa unang home match bilang isa sa mga naghahamon sa ginaganap na Asian 5 Nations Top 5 Division kontra sa Hong Kong ngayong hapon sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.



Isa ang Volcanoes sa mga underdog sa torneo na una nilang pagkakataon na nakatuntong sa Elite Division ng Asian Rugby kontra sa beteranong koponan ng Hong Kong na hindi pa tumatapos na mababa sa ikatlong puwesto sa mga labanan at madalas na pumangalawa sa laging nagwawagi na Japan.


Asam naman ng PH Volcanoes na makabawi mula sa nalasap na nakakadismayang 121-0 blowout loss sa Japan sa una nilang laban may dalawang linggo na ang nakalilipas. Nagsilbing “baptism of fire” sa koponan ang unang laro matapos makasagupa ang koponan na tanging may isang talo lamang sa nakalipas na limang taon.


Nahaharap din sa matinding pagsubok ang Philippine Volcanoes kontra sa Hong Kong bunga ng pagkawala ng kanilang starting 8-man/flanker na si Jake Pingal Ward sa kabuuan ng torneo dahil sa broken ribs na natamo nito sa laban kontra sa Japan. – Angie Oredo




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/04/ph-volcanoes-kontra-hong-kong/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment