Nina Beth Camia at Genalyn Kabiling
Sisimulan na ngayong unang linggo ng Abril ang pagbalangkas sa mga pangunahing batas para sa bubuuing Bangsamoro region sa Mindanao.
Gagawin bukas, Abril 3, sa Pasig City, ang unang pulong ng 15-miyembro ng Transition Commission (TransCom), na pinamumunuan ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) chief negotiator Mohagher Iqbal.
Binuo ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang TransCom noong Disyembre ng nakaraang taon at may inisyal na alokasyon na P100 million, ngunit nitong Marso lang pinangalanan ng MalacaƱang ang mga miyembro nito.
Sinabi ni Government Peace Panel Chairperson, Professor Miriam Coronel-Ferrer na target nilang masertipikahan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ng “urgent” bubuuing Bangsamoro Basic Law para agad na maisalang sa susunod na sesyon ng Kongreso.
Ayon kay Ferrer, idadaan sa plebisito ang magiging panukalang teritoryo na Bangsamoro Region, at kapag naratipikahan ay papalitan na nito ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) pagsapit ng 2016.
Itinakda naman sa ikalawang linggo ng Abril ang ika-37 pagpupulong ng MILF at gobyerno kaugnay ng pagpapatuloy ng prosesong pangkapayapaan, alinsunod sa Framework Agreement na nilagdaan noong Oktubre 2012.
Ngunit bago ito, susuriin muna ni Pangulong Aquino ang natitirang annexes ng nasabing kasunduan bago ipagpatuloy ang negosasyon. Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na nais makatiyak ng Pangulo na ang annexes ay “doable,” at “realistic” para sa kapakinabangan ng mamamayan ng Mindanao.
Una nang itinakda ng Marso ang pagpapatuloy ng negosasyon sa Kuala Lumpur ngunit ipinagpaliban ito ng Pangulo dahil may mga pinag-aaralan pa siya sa draft annexes ng kasunduan, bagamat hindi niya nilinaw kung anu-ano ang mga ito.
Agad namang nilinaw ni Lacierda na walang kinalaman sa kaguluhan sa Sabah ang pagpapaliban sa peace talks ng MILF at gobyerno.
Related Posts:
- Peace agreement, target ngayong taon
- Peace agreement, target ngayong 2012
- Usapang pangkapayapaan, inaasahang magtutuluy-tuloy
- Task force para sa ‘Pablo’ victims, itatatag;…
- Peace talks, magpapatuloy sa Marso
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/02/batas-sa-bangsamoro-region-babalangkasin/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment