Monday, April 1, 2013

Mas kailangang puntahan ang MASBATE


Ni Dindo M. Balares


Mga larawang kuha ni Charie Villa ng Choose Philippines


KUNG ang napakaliwanag na kalangitan, ang napakalalawak at luntiang mga rancho, ang sariwang ani ng mga yamang-dagat, at ang masisipag na cattle raisers sa Masbate ang mukha ng kinabukasan, napakasagana ng buhay na naghihintay sa islang probinsiyang ito ng Bicolandia.



Dalawang linggo bago ganapin ang Rodeo Festival na dinarayo taun-taon ng maraming cowboy mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging mula sa ibang bansa, isasagawa simula ngayong araw hanggang Abril 15, inimbitahan kami ni Ms. Maloli Espinosa-Supnet para libutin ang Masbate.


Kasama ang grupo ni Charie Villa ng Choose Philippines ng ABS-CBN, saka lang namin natuklasan na bagamat prominente nga ang buhay ranchero sa Masbate, hindi lamang ito ang maipagmamalaki ng probinsiya. May mga rancho nang tumatanggap ng mga turista ngayon para iparanas ang buhay kowboy.


Nakakatuwa ring malaman na hindi lamang mga ranchero ang kumikita sa mga alagaing hayop sa Masbate kundi ganoon din ang backyard raisers.


Natiyempuhan namin ang isa sa dalawang livestock auction sa probinsiya, ang linggu-linggong iginasagawa sa Uson, Del Carmen (Mactan). Kasabay ng araw ng palengke ang bilihan ng mga manok, kambing, kabayo, kalabaw at baka. (Napakamura rin ng kanilang mga daing na isda.) Naabutan namin doon si Edwin Du, ang may-ari ng rancho na aming dinalaw (may isa pa pala siyang rancho sa Del Carmen), na namimili ng mga baka at kalabaw para sa dispersal program ni Agriculture Secretary Proceso Alcala at ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.


Pinuntahan din namin ang Fazenda da Esperanca, rehabilitation center for drug and alcohol dependents na pinamamahalaan ng Brazilian nuns, na ang mga pasyente ay pinagtatrabaho sa dariy at vegetable farms.


Pero bukod sa masisipag na kababayan natin sa Masbate na aktibo sa food production, at bukod pa sa likas na yamang hinahango ng malalaking mining companies mula sa ilalim ng lupa, inaalagaan din ng mga MasbateƱo ang produksiyon ng pagkain ng kalikasan.


Dahil kasabay sa kanilang pangangalaga sa kaliwa’t kanang napakagagandang beach ang proteksiyon sa kanilang yamang-dagat.


Katunayan, limang minutong biyahe lamang mula sa Masbate City sa pamamagitan ng bangka ay mapupuntahan na ang Buntod Reef Marine Sanctuary na may napakahabang sand bar at malulusog na mga punong bakawan.


Ayon kay Butch Presado, ang tourism officer na buong lugod na gumabay sa aming paglilibot sa probinsiya, marami ring protected underwater area ang Masbate na nagsisilbing pangitlugan ng mga isda at ng iba pang sea creatures.


Kaya hindi kataka-taka na sagana sa huli ang mga mangingisda sa Masbate. Seafood paradise na maituturing ang kanilang probinsiya dahil dito.


Sa Masbate rin namin natuklasan ang malaking pakinabang sa proyektong Nautical Highway ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Dahil sa Nautical Highway, mabilis na naibibiyahe ang mga produktong kinakailangang dalhin sa mga pamilihan.


Dalawin at pasyalan ang Masbate. Tuklasin ang masaganang bukas na naghihintay sa Pilipinas kung magiging masipag lamang ang lahat lalo na sa pangangalaga sa likas na yamang bigay sa atin ng Maykapal.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/01/mas-kailangang-puntahan-ang-masbate/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment