Monday, April 1, 2013

Saganang supply ng isda, tiniyak

Ni Jun Fabon


Sa nakalipas na dalawang taon ng pananamlay ng sektor ng pangingisda sa bansa, may mas magandang pagkakataon na ngayong taon para sa masaganang huli ng tuna at pagdami ng domestic supply dahil sa pagtitipid.


Nabatid kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala na kasunod ng pagbawi sa pagbabawal sa pangingisda ng tuna sa Pocket 1 ng Pacific Ocean ay lalong dumami ang huli ng mangingisda sa bansa ngayong 2013.



Marami naman ang huli ng tuna sa Pocket 1 ng Pacific Ocean, sa may hangganan sa Micronesia, Palau, Papua New Guinea at Indonesia.


Dahil dito, ang resulta ng commercial catch ng big eye at yellowfin tuna noong 2012 ay umabot sa 7,912 metriko tonelada at 77,730 metriko tonelada, batay sa Bureau of Agricultural Statistics (BAS).


Ang mga ito ay nasa 31 porsiyento at 13 porsiyento kumpara sa kabuuang huli noong 2011 ng big eye tuna (6,021 MT) at yellowfin tuna (68,625 MT), ayon sa pagkakasunod.


Samakatuwid, ang pagluwas ng sariwa at processed tuna noong 2012 ay tumaas ng 41 porsiyento, na nagkakahalaga ng $411 million laban sa $292 million noong 2011, ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez.


Iginiit pa ni Alcala na malinaw na madadagdagan pa ang supply ng isda sa bansa, partikular ng Indian sardines (tamban), dahil sa pagtitipid at pagpapatupad ng “no fishing season” sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/01/saganang-supply-ng-isda-tiniyak/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment