Tuesday, April 2, 2013

Sarah at John Lloyd, nag-level-up na ang kilig

TULAD ni Katotong Reggee Bonoan, nakumpirma rin namin ang super daming pumila at nanood ng It Takes a Man and a Woman nang ipalabas ito sa mga sinehan last Saturday.


John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo Isa kami sa mga pumila ng pagkahaba-haba sa SM North EDSA sa mismong opening day.


Ibang level na ang pelikulang ito nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz. Pati ang akting ni Sarah ay ibang-iba na rin.



Tama ang kuwento ni Direk Cathy Garcia-Molina nang makausap namin, ang part three ng love story nina Sarah at John Lloyd bilang sina Laida at Miggy ay level-up na mula sa first two installments ng series.


“Iba na ang level ng kilig ng part three. It’s not about the same girl who’s giggling over her crush. Sa part three, we’ve taken it a notch higher na hindi lang basta kilig,” ani Direk Cathy.


Kung dati kasi ay parang nagpapa-cute lang ang roles nina John Lloyd at Sarah, dito, natuto na sila kung paano magmahal. Kaya ‘yung kilig dito, hindi na nanggagaling sa pa-cute. Mas kikiligin ang viewers dahil alam na nilang mahal na nina Miggy at Laida ang isa’t isa in the true sense of love.


Bagay na bagay ang theme song sa kuwento dahil from a girl and a boy, nag-transform na ang main characters into a man and a woman.


“Dati kulitan lang nang kulitan at talagang medyo petty ang mga pinagkukuwentuhan nila, anything that would make them laugh. Ngayon, meron nang sense ang pinag-uusapan nila,” dagdag pa ni Direk Cathy.


Showing sa more than 100 theaters nationwide ang It Makes a Man and a Woman at asahan nang mai-extend ito nang matagal na matagal. –Jimi Escala





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/02/sarah-at-john-lloyd-nag-level-up-na-ang-kilig/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment