BOSTON (AP) – Sisikapin ng New York Knicks na mawalis ang Boston Celtics sa playoffs ngayong araw na wala ang Sixth Man of the Year na si J.R. Smith.
Sinuspinde ng NBA si Smith para sa Game 4 ng serye ng New York kontra Boston dahil sa paniniko nito sa mukha ni Jason Terry ng Celtics. Ang suspensiyon ay inanunsiyo ni Stu Jackson, ang executive vice president for basketball operations ng NBA.
Mapipilitang ma-sideline si Smith sa pagsubok ng Knicks na kumpletuhin ang four-game sweep nito sa bakuran ng
Celtics.
Matatandaan na hawak ng Knicks ang malaking kalamangan sa nalalabing 7:06 sa Game 3 nang bigla na lamang sikuhin ni Smith ang baba ni Terry dahilan upang siya ay tawagan ng flagrant foul 2 at patawan ng automatic ejection.
Si Smith ay nag-average ng 16.3 puntos sa serye at ang ikalawang leading scorer ng Knicks sa likod ni Carmelo Anthony. Ang kanyang pagkawala ay maaaring magbigay ng pag-asa sa Celtics na pigilan na tuluyang mabaon.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/29/smith-di-makikita-sa-aksiyon/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment