Makalipas ang mahigit dalawang buwan, tuluyan nang naialis sa Tubbataha Reef ang minesweeper ng US Navy na USS Guardian na sumadsad sa bahura ng World Heritage Site noong Enero 17, 2013.
Ito ang iniulat ni Lt. Greanata Jude, ng Philippine Coast Guard (PCG), sinabing tumagal ang proseso sa salvage operation dahil sa dami ng isinasaalang-alang, kabilang ang posibilidad na madagdagan ang pinsala sa coral reefs.
Sa nakalipas na mga linggo, nagtuluy-tuloy ang pagbaklas at pagahon sa mga bahagi ng USS Guardian, at tuluyan nang naialis nitong Sabado ang huling parte ng binaklas na barkong nagkakahalaga ng $277 million.
Nabatid sa PCG na nasa 68 metro (223 talampakan) ang haba ng barko.
Batay sa umiiral na batas sa Pilipinas, magmumulta ng P24,000 o $585 sa kada metro kuwadrado ang sinumang may-ari ng barko na magdudulot ng pagkasira sa bahura sa nasabing lugar, na idineklarang World Heritage Site ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) noong 1993.
Sa report ng PCG, tinatayang 4,000 metro kuwadrado ng bahura ang nasira sa pagsadsad ng USS Guardian, subalit hindi pa masabi ang aktuwal na halaga na ipapataw sa United Nations bilang multa sa insidente.
Ayon naman kay Jude, pansamantalang mananatili sa Tubbataha Reef ang salvage ship matapos maiahon ang huling bahagi ng binaklas na barko, dahil aabutin pa ng tatlong araw ang paglilinis sa mga debris sa lugar. – Jun Fabon
Related Posts:
- US, sisingilin sa pinsala ng minesweeper sa Tubbataha Reef…
- Salvaging sa USS Guardian, sinimulan
- Pag-alis sa USS Guardian, pag-iingatan; oil spill,…
- US crane ship, dumating na; pinsala ng USS Guardian…
- Diving sa Tubbataha, puwede pa
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/01/sumadsad-na-minesweeper-naialis-na/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment