Tuesday, April 2, 2013

Traffic management school, itatayo — MMDA

Magtatayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Institute of Traffic Management.


Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bukod sa malaking tulong sa mga traffic enforcer, traffic engineer at planner ng ahensiya ang nasabing institute, makikinabang din dito ang mga lokal na pamahalaan.



“Malaki ang maitutulong nito para madagdagan ang ating kaalaman sa traffic management at planning,” sabi ni Tolentino.


Bukas din ang institute hindi lang sa mga traffic bureau head at traffic enforcer ng MMDA at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, kundi maging sa malalaking lungsod sa lalawigan, gaya ng Cebu City at Davao City.


Ang itatayong institute ay iba sa Traffic Academy ng MMDA sa Sta. Mesa. – Bella Gamotea





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/04/02/traffic-management-school-itatayo-%e2%80%94-mmda/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment