Hindi nagpahuhuli aktingan ang Kapamilya youngstars na sina Ejay Falcon, Arjo Atayde, Yam Concepcion, Jed Montero, at Ketchup Eusebio sa kanilang pakikipagsabayan sa mga beteranong artista sa Kapamilya Gold action-drama series na Dugong Buhay.
Ayon kay Ejay, bukod sa matagal na paghahanda para sa action scenes ng kanyang mapaghiganting karakter na si Victor, naging malaking tulong sa kanya ang mga payo ng mas makaranasan nang katrabaho nila sa serye.
“Dahil sa Dugong Buhay, mas lalo pong lumawak ang kaalaman ko bilang aktor at natutunan ko rin po na mas maging seryoso sa craft na pinili ko,” sabi ni Ejay.
Bagamat pressured sa bawat eksena, sinabi naman ni Arjo na itinutuon na lamang niya ang kanyang pansin sa pagganap ng kanyang karakter bilang si Rafael.
“Kapag nakakaramdam po ako ng pressure, nagtatanong na lang po ako sa kanila ng advice kung ano ang dapat kong gawin. Nakakawala po kasi iyon ng pressure dahil parang pamilya lang po kami na nagtutulungan sa set,” pahayag niya.
Karangalan naman para kay Ketchup ang pakikipagtrabaho kina Nonie Buencamino, Christian Vasquez, at Sunshine Cruz.
“It’s more of a privilege than pressure para sa akin tuwing nakakaeksena ko ang mga premyadong aktor sa industriya dahil sobrang dami ko talagang natututunan sa kanila,” sabi niya.
Umaapaw naman ang kasiyahan ng dalawang leading lady ng Dugong Buhay lalo na’t magagandang feedback ang kanilang natatanggap para sa kanilang itinuturing na biggest break sa showbiz.
Mula sa pagpapaseksi sa indie at mainstream films, hindi pa rin makapaniwala si Yam na sa kanya ipinagkatiwala ang role ni Sandy.
“First ever teleserye ko ito sa ABS-CBN kaya mas lalo kong pinagbubuti ang sarili ko sa bawat eksena na ginagawa ko,” sabi ng pretty newcomer.
Tulad ni Yam, inamin ni Jed na binago ng Kapamilya Gold teleserye ang kanyang buhay bilang artista.
“Ang dami-dami ko talagang natututunan sa role ko bilang si Trisha. Dahil po sa mga kasama naming bigating artista, mas lalong nakaka-motivate para sa akin na patunayan ang sarili ko sa role na ibinigay nila sa akin,” ani Jed.
Mula sa obra ni Carlo J. Caparas sa komiks, consistent na nangunguna ang Dugong Buhay sa timeslot nito simula nang umere noong Abril 8. Ito ay mula sa direksyon nina Toto Natividad at Mikey del Rosario.
Patuloy na tutukan ang makapigil-hiningang mga tagpo sa buhay ng mga karakter ng Dugong Buhay at tunghayan kung ano ang gagawing paghihiganti ni Victor sa mga De Lara ngayong nakuha na niya ang tiwala ni Rafael. Mapapanindigan nga ba ni Victor ang kanyang misyon? O unti-unti nang mabubura ang galit sa kanyang puso ngayong napapalapit na siya sa pamilyang kinasusuklaman?
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/05/ejay-arjo-jed-at-ketchup-nakikipagsabayan-sa-mga-beteranong-artista/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment