Sunday, May 5, 2013

Bakit ba may celebrity bazaar?

NAPADAAN kami sa Celebrity Bazaar sa Megatrade Hall ng Megamall noong Sabado na iilan na lang sa celebrity ang inabutan namin, kabilang ang TV Patrol reporters na sina Niña Corpuz at Marie Lozano at ang aktor na si Carlo Aquino.



Dalawang araw palang ginanap ang bazaar at ayon kay Nina, “Maaga kaming nagliligpit ngayon kasi pauwi na lahat, dapat nga till 11(PM) pa kami, eh, gusto na nilang umuwi ngayon (9 PM). Heto, marami-rami namang nabili.“


“Okay naman, maramirami na rin so far,“ sabi naman ni Marie na nagliligpit na rin ng mga paninda niya. “Sabit lang naman ako rito, sina Niña ang madalas, sinasabihan lang nila ako. Eh, kesa maimbak lang ang mga ito (damit), eh, di ibenta ko na.“


Umikot kami sa bandang dulo nang makita namin si Carlo na naghihintay na lang ng sundo niya para ibaba ang ilang gamit na hindi naubos.


Natawa kami sa sagot niya kung nakabenta siya… “Oo, naubos kaagad, mga brief ko, ha-ha-ha, joke lang! Actually, naubos kaagad mga long sleeves, puwedeng pamasok (pang-opisina) kasi, pero mga shirts, maraming natira.“


Nadaanan din namin ang puwesto ni Kris Aquino (wala roon, busy sa kampanya) na inililigpit na rin ng kanyang staff ang mga panindang hindi naubos tulad ng branded shoes, bags at mga damit.


“Ang marami pong nabenta, `yung mga artistang nandito kasi siyempre ang mga tao, gusto nila `yung nakikita nila ang mga artista at sila mismo ang nagbebenta,“ kuwento ng isa sa staff.


Bagamat may mga noncelebrity rin na kasama sa bazaar na marami rin ang naibenta dahil ang gimik naman nila ay 50% discount sa lahat ng items o buy one-take one.


“Wala, eh, kung hindi kami gagawa ng ganitong promo, talo kami sa mga artista, ang mga tao, gusto nila `yung mura at awa ng Diyos, marami naman kaming nabenta at napatunayan naming marami palang pera ang Pinoy,“ say ng may-ari ng katabing puwesto ni Carlo na pawang branded shades, bags, shoes at damit ang paninda.


Bakit nga ba panay ang reklamo ng mga kababayan nating naghihirap ang Pilipinas, maraming taong nagugutom at walang trabaho, eh, halos hindi nga kami makalakad nang tuluy-tuloy sa malls kapag may ginaganap na `sale’ at karamihan naman sa mga namimiling ito ay karaniwan ang pamumuhay.


Anyway, isinasagawa ang celebrity bazaar para maibenta ang mga gamit ng mga celebrity na maaari pang pakinabangan ng iba, at para maging cash na rin naman ito dahil hindi naman lahat ng napapanood nilang celebrities sa telebisyon ay mayayaman at hindi nangangailangan ng pera.


Sabi nga ni Nina nu’ng plano naming baratin ang ibinebenta niyang leather bag, “Oh, mura na `yan, huwag mo na akong baratin, ang pagbebentahan niya para kay Stella (anak niya).“ Bigla tuloy kaming nahiyang tumawad, Bossing DMB.


Sa kaso naman ni Kris ay itinutulong niya sa mga nangangailangan ang mga napagbebentahan ng kanyang gamit, di ba, Bossing DMB? (Tumpak! –DMB)




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/bakit-ba-may-celebrity-bazaar/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment