Sunday, May 5, 2013

PAGDADAGDAG NG RICE PROCESSING CENTERS

MAGPAPATAYO ang Department of Agriculture-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PhilMech) ng 28 rice processing center (RPC) sa mga lalawigan para matulungan ang mga magsasaka na maiwasan ang post-harvest.



Layunin ng proyekto, na tinatawag na RPC 1-2-3, na makapagpatayo ng mga milling facility sa mga sakahan upang hindi na kailangan pang ibiyahe ng mga magsasaka ang mga palay para ipagiling. Ipatutupad ng mga DA regional office ang proyekto, habang ang PhilMech naman ang magkakaloob ng post-harvest technology at mga pagsasanay sa samahan ng mga magsasaka na magmamantine at mangangasiwa sa mga rice center.


Base sa mga field survey ng PhilMech, 13 RPC-1 center ang bubuksan sa Region 4A Calabarzon, Region 4B (Mimaropa), Region 8 (Eastern Visayas), Region 10 (Northern Mindanao), Region 13 (Caraga), at Autonomous Region in Muslim Mindanao. Pitong RPC2 (katamtaman ang laki) center naman ang itatayo sa Region 4A, Region 5 (Bicol), Region 10, at Region 13. Anim na RPC-3 (malalaki) center ang bubuksan sa Region 1 (Ilocos Region), isa; Region 3 (Central Luzon), dalawa; Region 6 (Western Visayas), dalawa; at Region 12 (Soccksargen).


Sasagutin ng gobyerno ang 85 porsiyento ng gastusin sa RPC at ang 15 porsiyento ay sa recipient. Ang farmer associations (FAs) o irrigation associations ( IAs) ay posibleng tumanggap ng RPC at mga makinaryang pansaka. Mamamahagi rin ang PhilMech ng mas maraming farm machinery ngayong taon upang matiyak ang sapat na bigas sa bansa, kabilang ang 278 mechanical drier, 652 hand tractor, 99 na four-wheel tractor, 483 palay thresher, 418 rice drum seeder, at 322 rice cutter/harvester.


Binabati namin ang Department of Agriculture, sa pangunguna ni Secretary Proceso J. Alcala, at ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, na pinamumunuan ni Executive Director Rex L. Bingabing at iba pang mga Opisyal, sa kanilang pagtutulungan para maiparating ang pakinabang ng mga teknolohiya ng postharvest at mechanization sa mga magsasakang Pilipino. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/05/06/pagdadagdag-ng-rice-processing-centers/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment